^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-208 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

HINDI na nagpasundo si Ramon sa NAIA. Mahihirapan pa raw kami ng mga bata. Magta-taxi na lamang daw siya.

Ilang oras ay dumating si Ramon. Gulat na gulat si Ramon nang makita ang aming dalawang anak.

"Bakit payat yata ang dalawang anak natin? Nagkasakit ba sila?"

Bahagya akong kinabahan.

"Aba hindi. Malalakas ngang kumain ang mga iyan."

Mahigpit ang yakap ng aking panganay sa kanyang ama. Para bang inakay na sumiksik sa pagitan ng mga pakpak at naghahanap ng init. Ang bunso kong anak ay pangiti-ngiti lamang sa ama. Nakita kong napaluha si Ramon habang niyayakap ang dalawa naming anak.

"Anong gusto mong kainin Mon?"

"Kahit ano."

"Ipinagluto kita ng crispy pata. Masarap dahil malutong."

"Mamaya-maya na ako kakain. Gusto ko munang pagsawaan ng yakap ang dalawang bata."

Binuksan ni Ramon ang dalang Balikbayan box at kinuha roon ang mga laruan.

Tuwang-tuwa ang dalawang bata nang ibigay ni Ramon ang mga laruan.

Habang masaya ang mag-ama sa salas, pasimple kong kinausap si Lani.

"Huwag kang magkukuwento ng kahit ano sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo, Lani?"

"Opo Ate."

"Basta umiwas ka kapag naramdaman mong kakausapin ka."

Tumango si Lani.

(Itutuloy)

ANONG

BAHAGYA

BAKIT

BALIKBAYAN

BINUKSAN

GULAT

LANI

MANDALUYONG CITY

OPO ATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with