^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-197 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

KINAGABIHAN ay tumawag si Ramon. Hindi naman galit. Pero inunahan ko na. Naggalit-galitan ako.

"Naghihinala ka ba sa akin?" sabi ko.

"Hindi naman."

"E kasi’y sabi ni Lani inuurirat mo kung sino ang kasama ko."

"Masama ba ‘yon?"

"Oo. Parang naghihinala ka. Para sabihin ko sa ‘yo naghahanap ako ng trabaho. Naiinip ako rito sa bahay."

"Di ba nagkaintindihan na tayo na hindi ka na magtatrabaho?"

"Noon iyon. Naiinip na ako at gusto kong magtrabaho muli."

"Sige kung yan ang gusto mo."

"Talagang maghahanap ako."

"Siguruhin mo lamang na hindi mapapabayaan ang mga bata."

Hindi ako sumagot.

"Nena! Nena!"

Ibinaba ko ang telepono. Tuluyan na akong naasar.

Nakita kong nakatingin si Lani. Nagbaba ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kanya.

"Ikaw kasi ang may kasalanan kaya naghinala. Kung hindi dahil sa katangahan mo, hindi maghihinala ang gagong iyon!"

"Hindi na po mauulit Ate," sabing tila nagpapaawa ni Lani.

"Basta pagtumawag uli at wala ako, sabihin mong naghahanap ako ng trabaho ha?"

"Opo Ate."

Lantaran na ang aming relasyon ni Sancho at hindi na ako nangingimi kahit na harap-harapan ay nilalambutsing ako sa harap ni Lani. Ganoon na katapang ang hiya ko. Aywan ko kung bakit nakaya ng sikmura ko ang ganoon sa harap pati ng aking panganay na anak. Siguro nga’y likas akong makasalanan.

Kung minsan ay maghapong hindi aalis sa bahay si Sancho kaya nakakulong kami sa silid.

At ang matindi pa, tumawag si Ramon isang umaga na nasa bahay pa si Sancho.

Hindi ko malaman kung paano ang gagawing pagsagot sa phone. Pero napanatili ko ang mapagkunwaring boses. Ako pa ang nagtaray. Ako pa ang matapang. (Itutuloy)

AKO

AYWAN

LANI

MANDALUYONG CITY

NAIINIP

NENA

OPO ATE

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with