Darang sa Baga (Ika-88 na labas)
December 9, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
"G-GUSTO mo bumalik ta-tayo sa Pi-namalayan, Nena?"
"Sige. Para makapagpahinga ka roon."
"K-kaya m-mo nang magdrive?"
"Kayang-kaya!"
"K-kahit p-paahon sa b-undok?"
"Kahit pa pumunta tayo sa Baguio kayang-kaya ko."
"K-kung isama natin si Liza para ma-makapagbakasyon d-din siya "
Si Liza ay ang panganay na anak,
"Si Jen?"
"H-hindi. Baka b-igyan l-lang niya ako sakit ng ulo e matuluyan na ako "
Naibulong ko ang pasasalamat. Posibleng mangyari iyon. Baka doon pa kami magbangay ni Jen ay kahiya-hiya. At baka maging dahilan pa ng kamatayan ni Fil. Ayokong mangyari na magiging dahilan ako sa pagkamatay niya. Hindi ko kaya kapag nawala siya.
Pero hindi rin nangyari ang pagtungo namin sa Pinamalayan dahil nagkaroon nang matinding lagnat si Fil. Ayaw humupa ang lagnat kaya isinugod kong muli sa ospital. Madali nang dapuan ng sakit ang katulad niyang biktima ng stroke. Parang babasagin nang baso na kaunting masaling ay magkakalamat. Sabi ng doktor, ingatan daw na ang magkaimpeksiyon ang baga at baka iyon ang maging dahilan nang lalong paghina.
Ipinaalam ko kay Liza ang kalagayan ng ama. Dadalaw daw sila ni Jen. Pero ilang araw ang nakalipas ay hindi sila dumating.
Ibinulong ko iyon kay Fil bago ang nakatakda naming paglabas sa ospital.
"H-hayaan m-o na lang si-sila ." Sabing may himig pagtatampo. "W-wala na ako p-pakialam sa kanila tayong dalawa na lang Nena "
Nakita kong may tumulong mga butil sa pisngi ni Fil. Naaawa ako sa kanya. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended