^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-73 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

MATALIM din ang iniukol kong tingin kay Jen pero hindi ako nagpatangay sa aking galit. Si Fil ang inaalala ko. Sa kalagayan niyang iyon na walang lakas at kawawa, hindi kami dapat mag-away ng kanyang anak. Ako ang dapat umunawa at magbigay.

Nakita ko sa kaanyuan ni Jen ang katigasan. Kahit na siya ang naging dahilan kaya na-stroke ang ama, tila balewala iyon sa kanya. Aywan ko kung anong klaseng anak si Jen na wala yatang pagmamahal sa ama.

Malaki ang pagkakaiba ng kapatid na panganay na nagngangalang Liza. Mas mabait si Liza.

Niyakap ni Liza ang ama habang nakahiga sa kama. Pagkaraan ay umiyak nang umiyak.

"Hu-huwag kang u-umiyak. D-di pa ako patay…" sabi ni Fil na pilit nagsalita kahit na pautal. Tinapik nang bahagya sa likod si Liza.

Yumakap din si Jen sa ama pero walang iyak at walang sorry. Matigas talaga si Jen.

"O-okey lang ako. Hindi pa ako mamamatay…"

sabi ni Fil na gusto pa yatang magbiro.

"Sa bahay ko na lang kaya tumuloy pagkalabas dito sa ospital Daddy…" sabi ni Liza.

Pero maagap si Jen.

"Bakit sa’yo e ang laki ng bahay natin sa Makati?" sabi naman ni Jen. Ang tinutukoy ay ang bahay nilang luma sa Makati kung saan si Jen lamang ang nakatira.

"Kasi maaalagaan ko siya. Tatlo ang katulong ko sa bahay," sabi ni Liza.

"May katulong din naman ako."

Nakita kong nagpalipat-lipat ang tingin ni Fil sa dalawang anak.

"O-okey lang ako. Ang mag-aalaga sa akin si Nena. Okey lang ako. H-huwag kayong mag-alala."

Matalim ang tingin sa akin ni Jen. Hindi nagpakita ng kalambutan kahit na kaharap ang amang maysakit. Alam kong napansin ni Liza ang matalim na tingin sa akin ng kanyang kapatid. Hindi ko naman iyon pinansin. Ang mahalaga, pumili na si Fil sa amin at ako ang napili. (Itutuloy)

AKO

ALAM

JEN

LIZA

MAKATI

MANDALUYONG CITY

NAKITA

NENA

SI FIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with