^

True Confessions

Darang sa Baga (22)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City.)

"BAKIT sa bahay?"

"Basta."

"Ayoko."

"Di ba pumayag ka na?"

"Pumayag na ano?"

"Dalhin kita kahit saan?"

"Oo pero hindi sa bahay mo."

"Gusto mo sa motel?"

"Saan pa ba? Di ba doon naman talaga nagpupunta ang mag-aano..."

"Ayoko sa motel," sabi ni Mr. Reyes at itinuwid ang tingin sa lansangang tinatakbuhan namin. Wala nang trapik. Mag-aalas-diyes na ng gabi.

"Sir, ayoko sa bahay mo. Kahit saan huwag lang sa bahay mo..."

"Huwag kang mag-alala. Mas safe roon..."

"Puwede sa motel na lang, Sir..." ako pa ang namimilit sa kanya.

"Relax ka lang Nena."

Hinayaan ko na lang. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ni Mr. Reyes at sa halip na sa motel ay sa bahay niya ako dadalhin. May mga anak siya nabanggit niya. Paano kung makita ako. Doon kami mag-aano? Hindi ako mapalagay sa pagkakaupo. Tense ako. Gusto ko nang bumaba. Pero tiyak na hindi niya ako ibababa.

"Relax ka lang Nena."

"Kasi kung bakit sa bahay mo pa tayo pupunta."

"Mas maganda nga kasi roon kaysa motel."

"Saan bang bahay mo?"

"Sa Novaliches."

Natahimik ako.

Nasa Commonwealth Avenue na kami. Katamtaman ang pagpapatakbo ni Mr. Reyes. Wala nang trapik sa bahaging iyon ng Commonwealth. Sinusulyapan ko si Mr. Reyes habang nagda-drive. Ano kaya ang naisipan ng matandang ito at sa bahay niya ako dadalhin.

"Kakahiya sa mga anak mo Sir," sabi ko.

"Walang tao sa bahay ko. Pahingahan ko talaga ’yon."

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Binitin-bitin pa ako.

"Malapit na tayo..." sabi.

Twenty minutes pa at pumapasok na kami sa isang subdibisyon. May guard sa gate. Sinaluduhan si Sir. Pasok kami. Malapit lamang sa gate ang bahay. Bagong gawa ang bahay na iyon. Bungalow style. (Itutuloy)

AKO

AYOKO

BAHAY

MALAPIT

MANDALUYONG CITY

MR. REYES

NASA COMMONWEALTH AVENUE

NENA

SA NOVALICHES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with