Mga mata sa butas (Ika-52 labas)
June 19, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh,KSA)
KINABUKASAN, naghuhugas daw si Pacita ng pinggan samantalang nasa banyo ang kanyang ina ay pasimple siyang nilapitan ni Benjo.
"Hindi nasaid ang libag sa likod ko kahapon. Hindi mahusay maghilod ang nanay mo. Ikaw ang gusto kong maghilod sa ibang araw?"
"Ayoko baka makita tayo ng nanay ko."
"Anong masama e nagpapahilod lang naman."
"Ayoko!"
"Sige na "
Narinig niya ang pagbubukas ng pinto ng banyo. Mabilis na umalis sa tabi niya si Benjo. Nakita niyang lumabas ang ina.
"Pagkatapos mong maghugas ng pinggan e labhan mo ang damit ni Tito Benjo mo ha? May lakad kami bukas "
"Opo."
"Pag-iingatan mo ang damit niya at baka mahawahan."
"Opo."
Umalis na ang ina. Nagtungo sa silid nila ni Benjo.
Ipinagpatuloy niya ang paghuhugas. Wala na talagang malasakit sa kanya ang ina. Mas mahal pa nito ang kabit kaysa kanyang sariling ina. Mas masahol pa siya sa isang utusan. Ang kabataan niya ay nagugol sa hirap. Kung makapamimili lamang ng magiging ina, tiyak na hindi niya pipiliin ang ina. Baka ang tulad ng ina ni Lucia ang piliin niya. Mabait ang ina ng kaklase niyang si Lucia.
Nilabhan niya ang damit ni Benjo. Binabaligtad niya ang bulsa ng pantalon ni Benjo nang may makapa siya.
Binulatlat niya. Pera! Tig-iisang-daan.
Binilang niya. P500!
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am