Mga Mata sa butas (Ika-29 labas)
May 27, 2005 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)
"SALAMAT sa pasalubong mo Pepe. Ang akala ko hindi mo na ako dadalawin " sabi ni Pacita at tumayo sa pagkakaupo. Niyaya ako sa konkretong upuan na malapit sa opisina ng opisyal ng embassy.
"Ipinangako ko kay Mely na dadalawin kita at tutulungan kung ano man ang makakaya."
"Mabuti at may tao pang kagaya mo. Akala ko lahat ng tao ay demonyo," sabing seryoso.
"Hayaan mo at ipaaalam ko rin sa aking mga kasamahan na nangangailangan ka ng tulong. Mag-aambag-ambag kami "
"Salamat uli," binuksan nito ang supot ng pandesal. Tumingin sa akin. Para bang nagpapaalam pa na kukuha siya sa supot. Madali ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin.
"Kumain ka para talaga sayo yan."
Dumukot ng pandesal at isinubo. Inalok ako. Sabi koy busog pa ako.
"Alam mo Pepe kung hindi ko lang nakilala si Mely dito, baka matagal na akong nag-suicide. Nang malaman ko na si Mely ay isang rape victim, nagkaroon ako ng pag-asa. Hindi lang pala ako ang may mapait na karanasan dito "
Ngumuya ng pandesal.
"Gusto mo buksan ko ang corned beef para maipalaman mo?" alok ko sa kanya dahil kinakain nang walang palaman ang pandesal.
"Huwag na Pepe. Okey na ito sa akin."
Pagkatapos ay nagkuwento na ng buhay niya. Siya ang nagkusa. Nalaman ko na hiwalay siya sa asawa at walang anak. Ang dahilan, babaero ang asawa niya. At bukod doon pinanghimasukan sila ng biyenan niya. Ang biyenan niya ang gumawa ng paraan para sila magkahiwalay na mag-asawa.
"Matagal na kayong hiwalay?" tanong ko.
"Anim na taon na."
"Nasaan na siya?"
"Wala na akong balita. Mula nang maghiwalay kami, dito na ako sa Saudi nagpunta para mag-DH."
"Hindi ka sinusulatan?"
"Hindi. Mas mahal pa kasi niya ang kanyang ina. Sa tingin niya ay pawang tama ang mga desisyon ng kanyang ina.
"Saan ba kayo nagkakilalang dalawa?
"Saleslady ako sa isang department store sa Recto "
"Ang asawa mo anong trabaho?"
"Wala. Tambay lang."
"Saan kayo nakatira?"
"Sa mga biyenan ko." (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended