Mga Mata sa butas (Ika-26 labas)
May 24, 2005 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)
HUMANGA ako kay Dado. Sa kabila nang mapait na karanasang sinapit ni Mely sa manyakis na Kuwaiti ay matindi ang pagmamahal na nadarama niya. Bihira sa mga lalaki ang may ganito kaganda at kapositibong pananaw. Akalain ko bang ang hobby kong pamboboso ay may magandang kauuwian. Nailigtas ko na si Mely sa manyakis na amo ay magkakaasawa pa siya ng isang katulad ni Dado na may mabuting kalooban. Natutuwa ako at mapupunta si Mely sa isang tulad ni Dado.
Tuwang-tuwa si Mely nang dumating kami sa embassy at makita kami ni Dado. Iniabot ni Dado ang pasalubong na chocolates at ubas.
Napansin namin ang babaing katabi ni Mely. Sa hula ko ay tumakas din sa kanyang amo. Nagkukuwentuhan ang dalawa nang dumating kami. Napansin ko ang mga pasa sa braso ng babae.
"Si Pacita, DH din na katulad ko. Tumakas sa amo dahil gusto ring gahasain," pagpapakilala ni Mely sa babae.
Bahagyang ngumiti si Pacita sa amin ni Dado.
Binalingan kami ni Mely at sinabing sa isang linggo na ang repatriation niya. Mabilis daw ang pagkilos ng embassy at OWWA. Kumikilos na rin daw para sampahan ng kaso ang among Kuwaiti at asawa nito.
"Salamat naman at mabilis ang aksiyon," sabi ko.
"Sabay tayong uuwi Mely," sabi ni Dado.
"Uuwi ka rin?" tanong ni Mely. Ako man ay nagulat din sa biglaang desisyon ni Dado.
"Totoo ba Dado?" tanong ko.
"Oo. Hindi ko na hihiwalayan si Mely," seryosong sagot ni Dado.
"Kasalan na ang sunod niyan."
"Sinabi mo pa."
Nakita kong kumislap ang mga mata ni Mely. Wala naman akong nakitang sigla sa mga mata ni Pacita. Palagay ko, masyadong pagkaapi at pagmamaltrato ang dinanas ni Pacita sa kamay ng amo. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended