Ninang Joy (Ika-105 labas)
April 25, 2005 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh,KSA)
"NANAY Caring! Nanay Caring!" tawag muli sa labas. Si Ninang Joy na iyon. Tamang-tama ang dating sa usapan namin. Sabi koy palipasin niya ang 15 minutes bago sumunod sa akin.
Hindi naman kumikilos si Mama. Hindi pa yata naririnig ang tumatawag.
"Ma may tao," sabi ko.
Saka pa lamang tiningnan kung sino ang tumatawag. Akoy lihim na nakasubaybay sa kilos ni Mama. Excited sa mangyayari. Maingat akong lumapit sa may pintuan para marinig ang usapan.
"Joy!" narinig kong sabi ni Mama. "Ikaw ba si Joy?"
"Opo Nanay Caring."
Naramdaman ko na tila nagyakapan at nagbeso-beso.
"Halika pasok," sabi ni Mama na tila hindi malaman ang gagawin. Mabilis naman akong umalis sa may pintuan at tumakbo patungo sa comfort room. Naupo ako sa inidoro at pinakiramdaman ang nangyayari sa salas.
Naririnig ko ang usapan nila. Malakas ang boses ni Mama.
"Kumusta Joy?"
"Mabuti po Nanay Caring."
"Kararating lang ni Eric galing sa Saudi."
"Ganoon po ba? Nasaan po siya?"
"Narito. Teka at tatawagin ko."
Naramdaman ko ang paglapit ni Mama sa kusina. Gumawi sa may CR.
"Eric! Eric! Narito si Joy."
Balak kong huwag munang lumabas sa CR. Hahayaan ko si Mama.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended