Ninang Joy (Ika-101 labas)
April 21, 2005 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)
HABANG nag-uusap si Mama at ang kapatid kong si Michael ay nakangiti lamang ako. Talagang gustung-gusto ni Mama si Ninang Joy para sa akin. Ipinagtatanggol sa sinuman at handa niyang ipaglaban.
"Kaysa naman kung sino lang ang babaing makuha ng kuya mo e di si Joy na lang," sabi pa ni Mama.
"Halos kalahati yata ang agwat ng edad ni Ninang Joy kay Kuya."
"Hindi naman. Twenty-six si Eric at 45 si Joy ayos lang di ba," sabi ni Mama.
"Sige na nga. Hindi ako mananalo," sabi ni Michael at nagtawa. Nakitawa pati ang asawa nito.
"Kaya lamang wala yatang nangyari sa pagod ko sa pang-uulot. Ni hindi man lang yata napasagot si Joy ng kuya mo. Sayang talaga!"
Hindi ako sumagot. Sa halip ay binalingan ko ang mga dalang pasalubong na nasa bag.
"Inililigaw ko na kay Joy e wala pa rin yatang epekto," sabi ni Mama na naghihimutok.
Binulatlat ko ang laman ng bag. Dinukot ko roon ang pasalubong na rubber shoes kay Michael.
"Pasalubong ko sayo Michael," at inihagis ko ang sapatos na nasa box sa kanya.
"Thanks, Kuya!"
Dinukot ko pa ang isang nakabalot sa plastic at iniabot sa aking hipag. Inilabas ko rin ang maraming chocolates at iniabot ko sa kanya.
Binuksan ko ang aking attaché case at kinuha ang pasalubong ko kay Mama. Espesyal iyon. Isang set ng mga alahas. Mamahaling Saudi gold.
"Para sa iyo Ma," iniabot ko.
"Ayoko!" sabi.
"Bakit Ma?"
"Iba ang gusto kong regalo."
"Ano?"
"Si Joy."
Hindi ako nakapagsalita. Parang gusto ko nang bumigay at sabihin na ang lahat.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended