^

True Confessions

Ninang Joy (58)

- Ronnie M. Halos -
MALAKI ang epekto sa akin nang wala sa ayos na paghihiwalay namin ni Ninang Joy. Hindi ako makapag-concentrate sa trabaho. Siya lagi ang iniisip ko. Sa gabi ay mas madalas na siya ang naiisip kong katabi sa kama. Matindi na ang nangyayari sa akin. Makakatulugan ko na siya.

Kinabukasan ay ganoon na naman. Ano ba ang nangyayari sa akin? Ilang beses akong nag-attempt tawagan siya pero sa dakong huli, kapag alam kong dadamputin na niya ang telepono ibinababa ko na. Natakot din ako. Katulad din siguro ng nadama niyang takot.

Minsan, isang umaga ng Biyernes, nag-attempt akong puntahan siya sa kanilang housing pero nang nasa kalagitnaan na ako ng biyahe, bumalik ako. Saka na lang. Baka kapag nagkita na kami ay saka ako paaalisin. Mas lalong masakit iyon. Tiisin ko na lang ang nangyayari sa akin.

Isang buwan ang nakalipas, ipinadala ako ng aking boss sa Jubail (isang city sa Eastern province) para mag-observed sa isang project doon. Three months daw ako roon. Medyo mabigat para sa akin ang mapalayo sa Riyadh pero wala akong magawa kundi ang sumunod. Ako lamang ang tanging Engineer na ipinadala sa Jubail.

Sabi ng kaibigan kong si Joey nang malaman na ipadadala ako sa Jubail, "Baka makakita ka na roon ng tsik, Pards. Mas marami raw Pinay doon at mga game."

"Subukan ko nga."

"Ibalita mo sa akin kung may natuhog ka ha?"

"Oo. Idetalye ko pa."

"Parang nagbago ka na ha Pards. Mukhang palaban na."

"Hindi naman."

Ipinagbilin ko kay Joey ang aking kuwarto sa loob ng tatlong buwan. Siya na rin ang magtago ng aking mga sulat na galing sa Pilipinas at pakisagot ang mga tawag sa telepono. Mada-las tumawag si Mama sa akin ganoon din ang kapatid kong si Michael.

Nanibago ako nang makarating sa Jubail. Kahit na mas malapit sa dagat ang siyudad at mas maraming magandang pasyalan, gusto ko pa rin sa Riyadh. Hindi ko maipagpapalit ang Riyadh.

Tama ang sinabi ni Joey na maraming tsik sa Jubail at madaling ligawan pero balewala sa akin iyon. Ang dahilan: Si Ninang Joy pa rin ang aking naiisip kahit nasa malayong lugar ako. Iba talaga si Ninang Joy. Kakaibang babae para sa akin.

(Itutuloy)

AKIN

AKO

ANO

BIYERNES

JUBAIL

NINANG JOY

RIYADH

SI NINANG JOY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with