^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-124 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM.Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.)

MAAYOS na naiplano ang kasal namin ni Trish. Sa Santo Domingo Church gagawin at sa isang five star hotel gaganapin ang reception. Inayos ang mga kukuning ninong at ninang at iba pa kaugnay ng kasal. Nagpagawa kami ng invitation. Kumpleto na ang lahat. Tuwang-tuwa si Trish. Hindi makapaniwala sa marangyang kasal na handog ko.

Nagbiro si Bernie, kapatid ni Trish na sana raw ay sabay na lamang kaming ikasal para raw mas masaya. Umalma si Trish.

"Oy ayaw ko ng sukob sa taon ha?"

"Eto na naman po si mapamahiin…"

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin basta ayaw kong magkasabay tayo."

"Di naman totoo ‘yon…"

"Naniniwala ako."

"Bakit?"

"Nalilimutan mo na ba ang kuwento ni Lola na sukob sa taon nang ikasal si mama at ang kapatid naman ni papa. Ano ang nangyari?"

"Nagkataon lamang iyon..."

"Basta. Kung gusto n’yong magpakasal ni Rey, sa isang taon na kayo o kaya, mauna na lang kayo. Puwede naman naming ipagpaliban ang kasal namin. Di ba Jim?" tinapik ako. Napatango ako. Mapamahiin pala si Trish. Pati ang pagpapakasal ng kanyang mga magulang ay nabigyan ng kahulugan.

"Sige sa isang taon na nga lang kami ni Rey. Baka nga totoo ang sinasabi ni Ate…"

"Mabuti na ang nag-iingat. Ayaw kong magaya sa nangyari sa pagsasama ni papa at mama…"

Nagkasundo ang magkapatid.

Ikinasal kami ni Trish nang sumunod na buwan. Noon ay December. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Masayang-masaya ako. Ang papalapit na Pasko ay lalong nagpasaya sa aming dalawa ni Trish. Noon ko labis na nadama ang matinding pagmamahal sa kanya. Wala na akong mahihiling pa.

Nang matapos ang seremonya ng kasal at hilingin ng paring halikan ko si Trish, lalo pa akong nakadama nang sobrang kaligayahan. Pagkaraan ng aming pagkakalayo ni Trish ay mas masaya pala ang aming kahahantungan. Para bang ayaw ko ng matapos ang sandaling iyon sa simbahan.

Natapos ang kasal, reception at humantong sa honeymoon. Ano pa ang mahihiling ko? Natuklasan ko sa unang gabi ng aming honeymoon na ako ang unang lalaki sa buhay ni Trish. Mas lalo pa akong nakadama ng pagmamalaki nang malaman iyon. Ako lang talaga ang una at huling boyfriend niya. Gusto kong isigaw iyon.

Makaraan ang ilang linggo, naghahalungkat kami ni Trish ng mga photo album. Doon ko nakita ang retrato ng kanyang ina. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko ang rertrato. Doon ko pala matutuklasan si Ate Tet!

(Itutuloy)

AKO

ANO

ATE TET

AYAW

BAKIT

BATAY

BERNIE

SA SANTO DOMINGO CHURCH

TRISH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with