^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-110 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM.Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.)

PINUNTAHAN ko ang mga lugar na paboritong puntahan ni Trish at nagbakasakaling makita siya roon. Wala. Sinubukan kong puntahan ang mall kung saan una kaming nagkakilala. Sa bag section ako nagpunta. Alam kong mahilig siya sa bag. Baka sakaling makita siya roon. Wala.

Umuwi akong bigo at laglag ang balikat. Naisip ko, para akong naghahanap ng karayom sa bunton ng dayami. At malay ko ba kung may asawa na siya. Baka ang hindi ko pagtawag sa kanya noon ang nagtulak para tumanggap siya ng ibang manliligaw. Inabandona ko siya at maaaring isipin na naghanap na rin ako ng bagong nobya. Hindi niya alam, may gusto akong takasan. Marumi ako kinakailangan munang maglinis nang husto bago humarap sa kanya. Hindi ako bagay sa kanya dahil sa pakikipagrelasyon ko kay Ate Tet. Nakalublob ako noon sa putikan at masyadong naging mabaho kaya kailangan ang dibdibang paglilinis.

Hindi naman ako na-bigo sapagkat sa pama-magitan ng pagtitiyaga ay nakamit ang pangarap. Sobra pa nga sapagkat naging maamo ang kapalaran.

Isang araw, naisipan kong puntahan ang dating tirahan namin noon sa Sampaloc – iyon ay ang bahay naming inupahan ni Kuya Felipe kasama si Ate Tet. Wala lang akong magawa kaya ko naisi-pang magpunta roon.

Kung doon pa nakatira si Ate Tet, hindi na niya siguro ako makikilala. At isa pa’y nakasakay naman ako sa kotse.

Walang pagbabago sa lugar na iyon. Naroon pa rin ang tindahan na may pay phone na madalas kong gamitin para tawagan si Trish. Bumaba ako sa kotse at bumili ng sigarilyo. Mula sa tindahan ay matatanaw ang dati naming tirahan. May nakita akong tao roon at mga bata. Ibig sabihin, iba na ang nakatira roon.

Hindi ko akalain na matatandaan ako ng babaing tindera.

"Di ba ikaw yung nakatira riyan sa loob…?"

Tumango ako.

"Di ba namatay yung tiyo mong nagsa-Saudi noon?"

"Pinsan ko po…"

"O e bakit ka narito?"

"Bumibisita lang po."

"Matagal kang nawala ano?"

"Opo."

"E di hindi mo alam na namatay na rin ang asawa ng pinsan mo? Ano nga bang pangalan niyon?"

"Ate Tet…"

"Oo. Namatay na siya. Naglason."

Gimbal ako.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

ANO

ATE TET

KUYA FELIPE

SIYA

TRISH

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with