^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-93 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM.Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.)

HINARAP ko ang kinatatakutan pero may pangako na ako sa sarili. Pagkatapos mailibing si Kuya Felipe ay aalis na ako sa bahay. Tapos na ang pagtataksil.

"Ngayon ka pa matatakot e patay na ’yan," sabi ni Ate Tet nang makitang pumasok na ako sa punerarya. Sinalubong ako sa may pintuan. Sabi ko na’t arte lamang niya ang pag-iyak. Natutuwa siya dahil wala nang kontrabida.

"Para kang bakla. Ang patay ay patay na at wala nang magagawa," pahabol pang sabi.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng kabaong. Wala pang tao roon. Si David na kaibigan ni Kuya Felipe ay nasa isang sulok. Ang ilang tao roon ay mga kapitbahay namin.

Wala na akong nararamdamang takot. Siguro’y matindi ang ginawa kong pangako na ititigil na ang kataksilan. Sinilip ko si Kuya Felipe. Parang natutulog nga lang. Na-imagine ko, ano kaya’t magdilat ang kanyang mga mata at tingnan ako na parang malulusaw sa tindi ng galit. Siguro’y hindi ko malaman kung ano ang gagawin. Pero iyon ay bunga lang ng labis kong pag-aalala at takot.

Patay na nga si Kuya Felipe. Hindi na dapat katakutan sabi ni Ate Tet.

Walang nagbago sa mukha ni Kuya Felipe. Iyon pa rin ang mukha ng taong umampon sa akin at nagpaaral at pagkatapos ay "tinuklaw" ko.

"Patawad Kuya," iyon ang aking nasabi. Namalayan ko, tumutulo na ang aking luha. Ang luha ay tumulo pa sa takip ng kabaong.

AKO

ATE TET

BATAY

IYON

KUYA FELIPE

PATAWAD KUYA

SI DAVID

SIGURO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with