^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay Kuya Felipe (Ika-8 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. y sadyang binago ng awtor.)

PAGKAKATAON na. Iyon ang una kong naisip nang tanungin ni Kuya Felipe kung gusto kong suma-ma sa kanya sa Maynila. Wala rin akong inaasahang kinabukasan sa probinsiya sapagkat mahirap nga rin ang kamag-anak na kumupkop sa akin mula nang mapatay si Tatay.

"Mabuti ngang isama mo na ‘yan Ipe. Kasi’y wala rin kaming maitutulong dahil marami rin ang anak ko. Kung sa iyo, posible pang magkaroon yan ng kinabukasan. Sayang si Jimpoy dahil may talino naman," sabi ni Kuya Dado, ang kumupkop sa akin.

"Talaga?"

"Oo. Ipakita mong grades mo Jimpoy," utos ni Kuya Dado sa akin.

Kinuha ko ang aking mga gamit at ipinakita kay Kuya Felipe ang aking card.

"Matataas nga. Mahusay ka sa Math ano?"

"Kaunti po Kuya," sagot ko.

"Ano bang gusto mo pagkatapos ng high school?"

"Kahit po ano."

"Ba, di puwede yon. Kailangang mayroon ka nang nagugustuhang kurso. Dapat siguro mag-engineer ka."

Pinagmasdan ako ni Kuya Felipe.

"May itsura rin ang batang ito ano pinsan?" sabi.

"Guwapo naman ang ama niya di ba? Tarantado nga lang," sabi naman ni Kuya Dado.

"May girlfriend ka na ba Jimpoy?"

"Wala pa po Kuya."

"Bakit?"

"Mahiyain kasi iyan," sabad ni Kuya Dado.

"Sayang ang kaguwapuhan nito kung ganoon." sabi ni Kuya Felipe.

"Hindi katulad mo Ipe na basta butas e pasak," sabing humahagikgik ni Kuya Dado.

Nagtawa si Kuya Felipe.

"Tuli ka na Jimpoy?"

"Opo Kuya."

"Noong isang taon lang nagpatuli yan," sabad uli ni Kuya Dado, "Ako pa nga ang naghanap nang magtutuli dahil hindi inaasikaso ng lasenggo niyang ama."

Napatangu-tango si Kuya Felipe.

Kinabukasan ng umaga, dakong alas-otso, sinabi sa akin ni Kuya Felipe na ihanda ko na ang mga gamit ko at aalis na kami patungong Maynila.

Tuwang-tuwa ako.

(Itutuloy)

FELIPE

IPE

JIMPOY

KUYA

KUYA DADO

KUYA FELIPE

MAYNILA

OPO KUYA

SAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with