Laro sa Putikan (Ika-3 labas)
February 13, 2004 | 12:00am
(Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa ngalan ng tao at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor).
MALAKI ang pagkakaiba ng Riyadh at Al-Khobar kahit pa sabihing mga siyudad ito sa Saudi Arabia. Sa Al-Khobar ay hindi gaanong mahigpit ang mga motawa. Ang motawa ay mga religious police na ayon sa mga nakapagsabi sa akin ay mas makapangyarihan pa kaysa sa mga tunay na pulis. Kapag motawa raw ang nakahuli sa mga gumawa ng kasalanan ay malamang na kulungan kaagad ang bagsak. Sa Al-Khobar ay wala naman akong naging masamang karanasan sa motawa. Sa loob nang may dalawang taong pagtatrabaho ko roon ay hindi ako nabastos o kayay napagsalitaan man lamang ng motawa.
Sa Riyadh ay kakaiba. Tama nga ang sabi ng mga nakakuwentuhan kong Pinoy sa Al-Khobar na masyadong mahigpit ang mga motawa sa Riyadh. May mga Pinoy din kaming pasyente sa clinic. Pinagtitiyagaan ang clinic kahit na sa tingin ko ay hindi mahusay si Dr. Mansoor Al-Bajes ang doktor na manyak na kung makatingin sa akin ay para na akong hinuhubaran ng panty. Malapit lang kasi sa Al-Shoula Shopping Center ang aming clinic noon sa Al-Khobar kung kaya may mga Pinoy na nagtitiyagang magpatingin. Sa mga Pinoy na nagpapa-check-up ako nakakuha ng impormasyon sa mga motawa.
Hindi na nga ako masyadong nahirapan nang makarating sa Riyadh. Kahit pa sabihing nani- bago ako dahil pawang makabago ang kagamitan hindi na ako naging tanga at nakikipag-argumento na ako sa mga makukulit na pasyenteng Saudi o sa mga Egyptian na akala moy sila na ang may-ari ng ospital.
Halos mabibilang nga ang mga naratnan kong Pinay nurse roon. Karamihan ay natakot sa scud missile ni Saddam Hussein kung kaya nagsiuwi. Isa sa mga Pinay na naiwan doon ay si Remy na sa unang pagkakita ko pa lamang ay nakagaanan ko na ng loob. Mas matanda ng ilang taon sa akin si Remy.
"Mabuti at madali kang natanggap, Jean. Balita ko kasi mahigpit na ang mga ahensiya sa atin."
"Suwerte ko siguro. Ito nga lang ang nag-iisang ospital na inaplayan ko."
"May asawa ka na ba?" tanong ni Remy.
"Wala pa."
"Oww yang ganda at sexy mong yan wala kang asawa."
"Wala nga."
"Sayang yang ganda mo."
"Ikaw meron ka na bang asawa?" tanong ko.
"Meron," sabi at bahagyang inihina ang boses.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended