Jamias (Ika-81 labas)
January 21, 2004 | 12:00am
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)
ANG Martillo Gang ang kinatatakutan ng mga may-ari ng jewelry store sa Ongpin, Carriedo, Binondo, Recto at sa bahagi ng Avenida. Iba ang pamamaraan ng Martillo Gang. Marahas at walang kinatatakutan. Malakas ang loob sapagkat kung bumanat ay katanghaliang tapat o dakong alas-tres ng hapon.
Tinawag na Martillo Gang sapagkat gumagamit ng martillo o maso para wasakin ang eskaparateng salamin na kinalalagyan ng mga ginto.
Kapag nawasak na ang eskaparate ay saka lilimasin ang laman. Walang ititira. Mahahabang armas ang dala ng grupo. Kadalasay tatlo o apat kung pumasok sa isang jewelry shop.
Noong si Jamias pa ang commander ng Station 3, madalas mangholdap ang grupo sa Carriedo, Quiapo. Paborito nilang holdapin ay ang jewelry shop na ilang metro lamang ang layo sa simbahan ng Quiapo.
Pinamanmanan ni Jamias ang grupo. Nagdagdag ng pulis na nagbabantay sa nasabing lugar. Alam niya muling sasalakay ang grupo. Hindi siya nagkamali. Bumanat ang grupo. Limang miyembro ng Martillo Gang ang sumalakay sa jewelry shop. Pero nagkamali sila sapagkat tatlong magaling na pulis ni Jamias sina SPO4 Ric Reyes, SPO4 Cesar Sabile at SPO2 Abraham Macatangay ang nasa lugar na iyon at nagroronda.
Nang makita ng Martillo Gang ang tatlong pulis, bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis. Hindi pa nasiyahan, naghagis ng granada. Sumabog. Napuno ng sigawan ang lugar.
Nagtangkang tumakas ang grupo pero determinado ang tatlong pulis at dalawa sa tatlong Martillo gang members ang kanilang nadakip. Nakatakas ang tatlo. Pero nasugatan ang isang pulis ni Jamias na si SPO2 Macatangay.
Ilang buwan pa ang nakaraan, nahuli rin ang ilan sa mga miyembro ng grupo kaya natigil ang talamak na holdapan sa Sta. Cruz.
Pero nagulat nga si Jamias sapagkat nang lumipat siya sa Station 11 ay muling nabuhay ang grupo at ang pinasalubong sa kanya ay panibagong panghoholdap sa mga jewelry stores.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended