^

True Confessions

Jamias (Ika-80 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

DAHIL sa mga ipinakita ni Jamias na pagsasaayos ng Station 3, inilipat siya sa Station 11. At alam ni Jamias mayroon na namang babaguhin sa nasabing station. Sigurado iyon, naisip ni Jamias sapagkat ang Station 11 na sumasakop sa malaking bahagi ng Binondo ay niyayanig ng mga halang ang kaluluwa. Kung ang mga lugar na nasasakop ng Station 3 ay kilala bilang magulong lugar at tahanan ng mga addict, ang Binondo ay ganoon din. Mas nakasisindak sapagkat hindi niya kilala ang mga kalaban. Hindi katulad sa Station 3 na halos alam niya ang galaw ng mga tao. Maski mga snatchers ay sa Quiapo at Sta. Cruz ay namumukhaan niya.

At siya bilang dedikadong pulis ay handang tanggapin ang lahat ng mga iaatang na trabaho sa kanya. Para sa kanya ang paglalagay sa kanya sa bagong puwesto ay isang pagsubok sa kanyang kakayahan. Hindi siya ilalagay sa isang puwesto kung walang tiwala sa kanya. Marami na siyang naipakita at napatunayan.

Isang araw makaraang mailipat siya sa Station 11 ay agad siyang nasabak sa pakikipaglaban sa mga halang ang kaluluwa. Sinubukan kaagad siya.

Nang hapong iyon ay hinoldap ang isang jewelry shop sa Binondo. Nilimas ang jewelry shop at ang matindi pumatay pa ng guwardiya ang mga magnanakaw. Katanghaliang tapat bumanat ang grupo.

"Sir, may mensahe sa inyo ang mga nangholdap sa Ongpin?" sabi ng tauhan niya.

"Ano?"

"Pasalubong daw sa inyo ang ginawa nilang panghoholdap. Welcome daw sa Binondo."

"Ganon ha? Tingnan natin ang tigas nila."

Ang grupo ay ang Martillo Gang.

(Itutuloy)

ANO

BINONDO

CRUZ

ELMER MEJORADA JAMIAS

JAMIAS

MARTILLO GANG

POLICE SUPT

STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with