Jamias (Ika-6 labas)
November 7, 2003 | 12:00am
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)
MGA duwag pala! Nasabi ni Elmer nang magkaskasan ng takbo ang mga kabataang nang-eextort sa kanya. Mga urong pala ang bayag! Walang anumang isinuot niya ang sinturong may malapad na buckle. Ganoon man, malakas ang kutob ni Elmer na muli siyang aabangan ng grupong iyon at gaganti. Kilala na niyang halang ang kaluluwa ng mga kabataang iyon, na marami na ring binugbog at minsan ay may sinaksak pang estudyante na ayaw magbigay ng pera. Pero sa loob ni Elmer, hindi siya natatakot. Lalaban siya nang sabayan. Matira ang matibay!
Nang umuwi, napansin ng ina ni Elmer na si Aling Evelyn ang mga patak ng dugo sa kanyang puting uniporme.
"Saan galing ang dugong yan Elmer?" may pag-aalala sa tinig ng kanyang ina.
"Hinarang ako ng gang, Nanay! Yung mga nangingikil sa may school namin," sagot niya.
"Bat may dugo? Nasugatan ka?"
Ikinuwento niya sa ina kung paano siya lumaban sa gang.
"Mabuti pa yata itransfer ka na namin. Masyado nang magulo diyan sa Araullo."
"Huwag po,Nanay."
Ayaw ding pumayag ang ama niyang si Mang Guillermo.
"Bat ka matatakot Elvie e kita mo ngat kayang-kaya ni Elmer na ipagtanggol ang sarili," para bang proud na proud ang kanyang tatay.
Hindi na lamang magsasalita ang kanyang nanay pero, alam ni Elmer, nag-aalala ito sa kanya.
Hindi alam ni Elmer kung bakit marami yata ang naiinggit sa kanya. Maski sa loob ng Araullo ay may gustong tumesteng sa kanyang kakayahan.
Minsan, dinalaw siya ng kaibigang si Lito. Recess noon. Nakaupo sila sa konkretong bangko. Nagkukuwentuhan sila. Nang bigla ay isang paso ng halaman ang bumagsak sa kanila. Nakailag siya subalit hindi si Lito. Bagsak sa ulo nito ang paso. Nang tumingala si Elmer, nakita niya ang ilang kabataang lalaki sa fourth floor. Sila ang may kagagawan. Napatiim-bagang siya sa galit.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am