Susie san:Japayuki (Ika-20 labas)
September 9, 2003 | 12:00am
(Ang mga pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may akda sa pakiusap na rin ng nagtapat.)
ILANG pagsasalo pa namin ni Roy ang naganap at atrasado na ang dating ng mens ko.
"Buntis na yata ako Roy," sabi ko minsang magkita kami. Nasa isang fast food kami.
Tumingin lamang sa akin si Roy. Pagkuway binawi ang tingin at napansin ko ang walang tigil na pag-ugoy ng hita sa pagkakaupo. Dumukot ng juicy, binalatan at nginuya nang nginuya.
"Palagay ko buntis ako," ulit ko.
"Kala ko ba nag-pills ka?"
"Di ko naalala. Kasi tuliro ako nang manggaling sa Japan."
Hindi kumibo. Patuloy sa pagnguya.
"Paanong gagawin natin kung tesbun ako?"
"Pa-abort "
"Tarantado ka!"
Hindi sumagot. Hindi alam kung totoo o seryoso.
"Anong gagawin natin kung buntis ako?"
Tumawa.
"E di ituloy. Anong gagawin mo diyan?"
Nabuhayan ako ng loob. May pag-aalala pa sa bunga ng aming pagmamahalan namin.
"Pakasal tayo? Papatayin ako ni Itay kapag nalamang buntis ako."
Napanganga si Roy.
"Wala akong pera ano?"
"Akong bahala. Kahit sa huwes lang."
Naging seryoso ang mukha ni Roy. Itinigil ang pagnguya. Para bang hindi inaasahan ang biglang dating ng problema.
"Problema kung saan tayo titira. Di puwede sa amin."
"Bakit?"
"Basta!"
"E di sa amin. Tatlo lang naman kami sa bahay."
Itinuloy ang pagnguya dahil sa sinabi ko. Pero maya-maya ay biglang naisip kung paano ang magiging buhay namin.
"Paano ka pa makapagja-Japan niyan?"
Ako pa rin ang inaasahan niyang bubuhay sa kanya. Langyang buhay talaga!
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended