Susie san: Japayuki (Unang Labas)
August 21, 2003 | 12:00am
(Ang mga pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng may-akda sa pakiusap na rin ng nagtapat. Ed.)
"DARATING na sa makalawa si Toshi "
Mahinahon kong sabi kay Roy. Umaga noon. Nagpapatugtog ito ng masakit sa tengang music habang prenteng nakaupo sa kulay green at malambot na sopa. Tumingin lamang sa akin. Parang hindi nauunawaan ang aking sinabi. Lumapit ako sa bagong biling component system at pinatay iyon. Klik!
Tumingin sa akin ng masama si Roy.
"Darating na si Toshi "
"E ano ngayon?" paangil ang sagot.
"Di ba alam mo na ang iyong gagawin?"
Tumingin sa akin ng matalim. Pagkatapos ay tumayo at akmang bubuksan uli ang component.
"Tarantado ka, makinig ka sa akin!"
"Oo alam ko na. Buwisit ng Hapones na yan."
"Buwisit? Kundi dahil sa kanya, baka butot balat ka na. Baka nanlilimahid ka na ugok."
"Tang-inang "
"Di ba totoo?"
Binawi ang pagkakatingin sa akin ng matalim. Bumalik sa pagkakaupo. Inuuguy-ugoy ang binti habang nakaupo sa malambot na sopa na kailan lamang binili.
"Kailangan ko pang gasgasin ang pu ko. Naaatim mo yon."
Hindi umimik si Roy. Patuloy na inuguy-ugoy ang binti. Dumalas nang dumalas.
"Tamad ka kasi. Guwapo ka lang pero hindi mo ko kayang buhayin."
"Tang-inang " sabi nito na parang uupakan ako ng sampal.
"Nasasaktan ka dahil totoo. Yang burat mo lang ang ipinagmamalaki mo."
Nang akmang magsasalita pa ako, mabilis na binuksan ang compo at inilakas ang volume. Para siguro hindi marinig ang mga sasabihin ko. Pero kahit na malakas ang tunog ng compo nangibabaw pa rin ang boses ko.
"Kailangang umalis ka na rito baka maratnan ka ni Toshiii!!! Isang buwan kang wala ritoooo! Naintindihan mooo???"
"Oo! Oo! Buwisit!" sagot nito.
Saka ko napansin nakatayo pala sa pintuan ng silid ang anak naming si Trina, two years old.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended