^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-119 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

HABANG naglalakad palabas ng underpass ay maraming ikinuwento si Cris tungkol sa buhay nito. Binalikan ang nakaraan. Walang ipinagkaiba sa pamamaraan ng kanyang pagkukuwento noong kabataan namin. Masaya pa ring kausap. Nang ipagbili raw ang kanilang puwesto sa palengke ay lumipat na raw sila sa ibang lugar. Kahit na tumututol siya sa kanyang ina ay wala namang magawa. Paano’y hindi na siya makikita.

"Bola!"

"Totoo Friend," ang nakaugalian ng tawag sa kanya ay hindi na naalis.

"Me pamilya ka na?" tanong ko.

"Wala."

Ganoon daw ang sinasagot ng mga lalaki. Wala pang pananagutan.

"Ikaw me asawa na?"

"Wala."

"Owww."

"Anong owww?"

"’Yang ganda mong ‘yan."

"Mukha na ba akong me asawa?" tanong ko.

"Mahirap sagutin. E ako?"

"Mahirap ding sagutin."

Lakad pa kami. Sakay sa escalator. Lakad uli.

"Saan ba tayo papunta Cris?"

"Saan nga ba?"

"Papasok ako sa trabaho ko doon sa may Buendia."

"E ba’t dito tayo napun-ta sa may patungong Glorietta."

"Ikaw kasi ang gulo mo."

"Mabuti yata magmeryenda muna tayo. Pizza gusto mo?"

"Sige. Puwede naman akong magpa-late sa trabaho."

"Ako rin. Mamaya ko na lamang balikan ang mga tao ko."

Lumakad pa kami. Tumungo sa may Paseo de Roxas. Umakyat sa tila tulay na sadyang ginawa para sa pedestrians. Tumawid sa Makati Avenue. Para akong naglalakad sa ulap. Nakaalalay sa akin si Cris. Marahang nakakapit sa aking siko.

(Tatapusin)

ANONG

BINALIKAN

IKAW

LAKAD

MAHIRAP

MAKATI AVENUE

SAAN

TOTOO FRIEND

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with