^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-108 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

"MALUBHA ang sakit ni Tatay. Hindi sinabi sa akin ni Ate Neng. Bago umalis sa pinagtatrabahuhan ko, sabihin ko raw sa iyo ang kalagayan ni Tatay. Baka raw hindi na magtagal."

Hindi ako nagsalita. Ewan ko kung bakit tuksong bumalik ang mga larawan ng tiniis kong hirap sa kanya. Naghanap ako ng pagmamahal ng isang ama subalit pawang sakit ng katawan ang inabot ko. Para pang nararamdaman ko ang palo ng sinturon o anumang bagay na mahawakan sa aking puwit at kung minsa’y sa tagiliran.

Ikinunsulta ko kay Ate Josie ang lahat. Noon din nalaman ni ni Ate Josie na ang tunay kong ama ay isang Arabo. Sinabi ko ang mga naranasang kaapihan kay Tatay. Marami akong tiniis mula sa pagkabata. Naghanap ako ng ama sa katauhan niya pero hindi ko nakita.

"Alam ko ang nadarama mo Sol, maski ako mahihirapang magpasya," sabing marahan ni Ate Josie. "Pero tingnan mo rin ang nagawang pagkupkop sa iyo ng tatay mo at maski ang apelyido niya pinagamit sa iyo."

Napatangu-tango ako.

"Siguro, nung ipinanganak ka, baka nabalisa rin kahit paano ang ‘tatay’ mo."

Napapikit ako sa tagpong iyon.

(Itutuloy)

AKO

ALAM

ARABO

ATE JOSIE

ATE NENG

EWAN

IKINUNSULTA

NAGHANAP

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with