^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-86 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

HINDI ko akalaing pupunta sa burol ni Inay si Cris. Madaling kumalat ang palengke. Si Dang ang nagsabi sa akin na naroon si Cris.

"May dalang bulaklak, condolence raw," sabi ni Dang.

"Nasaan na siya?"

"Nandoon."

Lumapit ako sa kinauupuan ni Cris. Nang matanaw naman ako ay tumayo ito.

"Condolence, Friend," sabi at kinamayan ako, "pati si Inay ay nakikiramay."

"Salamat."

"Maski si Inay ay hindi makapaniwala na patay na si Aling Linda. Ganoon daw pala kabilis ang paglaganap ng kanser."

"Nang matuklasan kasi e malala na. Maski i-chemo, wala na ring pag-asa. Si Inay mismo ang tumangging magpa-chemo."

"Siyanga pala, congrats sa iyo, Friend. Nabalitaan ko, salutatorian ka."

"Thanks uli. Hindi na nga naka-attend si Inay sa graduation ko dahil mahinang-mahina ang katawan niya. Si Dang na lamang ang dumalo at nagsabit ng medal sa akin."

"At least bago siya namatay, alam niyang salutatorian ka. Maligaya siya kung nasaan man siya ngayon."

Nakita ko ang paglabas ni Ate Neng, karga ang anak at tinungo ang kinaroroonan namin ni Cris.

"Marisol, alagaan mo munang baby ko...inaantok pa kasi ako..."

Inabot ko ang baby. Pagkaraan ay binalingan ko si Cris at ipinakilala kay Ate Neng.

"Ate Neng si Cris.."

"Hi, Cris! Boyfriend mo siya Marisol?"

"Hindi," sabi ko.

"Friend lang kami ni Marisol," sabi naman ni Cris.

(Itutuloy)

ALING LINDA

ATE NENG

CRIS

INAY

MARISOL

MASKI

NANG

SI DANG

SI INAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with