^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-84 na Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat. )
NANG nakaburol na si Inay ay dumating si Ate Neng. Kami ni Dang ang inabutan sapagkat si Tatay ay inaasikaso ang paglilibingan ni Inay. Karga ni Ate Neng ang anak. Walang ibang kasama.

"Mabuti’t nalaman mo ang nangyari?" tanong ni Dang kay Ate Neng. Nakatingin lang sa akin si Ate Neng. Payat na payat ito na nagpapahiwatig ng hirap ng buhay. Gayong mahigit lamang 20-anyos ay parang mahigit nang 30 ang edad.

"Nagpunta ako sa palengke kahapon at nakita kong sarado. Sinabi sa akin ng katabi sa puwesto na wala na raw si Inay…"

Pagkaraang sabihin iyon ay bumunghalit ng iyak si Ate Neng. Ang kargang anak ay nagising sa pagtulog at umiyak din. Kinuha ko ang sanggol na hawak na ibinigay naman kaagad ni Ate Neng. Napatingin siya sa akin sa ginawa ko.

"Kumain ka na Ate Neng?" tanong ko.

"Hindi pa," at pagkaraan ay bumunghalit na naman ng iyak.

"Kumain ka muna habang hawak ko ang baby mo.." sabi ko at idinuyan ang bata sa aking braso.

"Si Tatay?"

"Wala siya. May inaasikaso."

"Baka dumating e magalit sa akin."

"Huwag mong intindihin," sabi naman ni Dang.

"Baka saktan ako."

"Maraming tao rito. Hindi niya magagawa iyon."

Napanatag ang loob ni Ate Neng.

"Nasaan nga pala ang asawa mo?"

Hindi sumagot si Ate Neng. Parang bang may itinatagong lihim na ayaw mabulgar sa pagkakataong iyon. Pero makulit si Dang.

"Bakit kayong dalawa lang ng baby mo ang narito?"

Bumunghalit uli ng iyak si Ate Neng.

"Iniwanan na kami ng walanghiyang iyon. Palagay ko nasulsulan ng ama at ina kaya hindi na umuuwi…"

Sa sinabi ni Ate Neng, iisa na agad ang aking naisip, maaaring magkasama-sama kami sa bahay. Iyon ay kung tatanggapin siya ni Tatay.

Umiyak ang sanggol na hawak ko. Idinuyan ko uli. Marami na namang magaganap sa aking buhay.

(Itutuloy)

ATE

ATE NENG

BAKIT

BUMUNGHALIT

INAY

KUMAIN

NENG

SI TATAY

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with