^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-83 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

WALA na si Inay. Habang nakatingin ako sa katawan niyang wala nang buhay, iba’t ibang larawan ang aking nakikita – mga kahaharapin kong problema ngayong ako’y nag-iisa na. Nakikita ko ang mga tinik na aking dadaanan. Aywan ko kung dahil sa labis kong pag-aalala kaya ganoon ang aking nakikita. Pero malakas ang aking kutob na nagsisimula pa lamang ang mga daranasin kong kalbaryo sa buhay. Nararamdaman ko.

Ilang beses kong naitanong kung bakit sa ganitong sitwasyon pa ako iniwan ni Inay. Mahirap, masakit, malungkot.

"Inaaay!" hindi ko alam kung gaano kalakas ang pagsigaw ko na may kasamang iyak. Ang alam ko, pagkaraan kong sumigaw nang malakas ay nakayakap na ako sa walang buhay na katawan ni Inay. Isa iyon sa pinakamasakit na pangyayari na hindi ko malilimutan – ang mawalan nang minamahal sa buhay. Ang mawala ang aking kakampi na bagamat hindi ako gaanong maipagtanggol noong una dahil na rin sa takot kay Tatay, ipinakita naman ni Inay sa dakong huli na marunong din siyang lumaban. Naalala ko pang sabi niya, "magkakamatayan na kami ng tatay mo kapag sinaktan ka pa niya. Dalaga ka na at hindi na bata gaya ng inaakala niya." Kasunod niyon ay ang pag-rewind ng mga ginawa niyang pag-iingat sa akin habang pumipintig sa sinapupunan niya noong nasa Saudi Arabia pa siya. Hindi niya ako hinayaang mapapunta sa ama kong Arabo na nais akong kunin kapag naipanganak na. Piniling tumakas at harapin ang galit ni Tatay. Namatay si Inay kasama ang lihim. Hindi nalaman ni Tatay na kusang ibinigay ni Inay ang sarili sa among Arabo na ako nga ang naging bunga. Ang lihim na iyon ay malilibing na rin kasama ni Inay. Ako ang tanging nakaaalam.

Hindi ako makapaniwala na wala na nga ang aking ina. Ganoon pala kaikli ang buhay. Iglap lamang at wala na siya.

Sa sama-sama naming pag-iyak ni Dang ay ilang kapitbahay namin ang nagising at dumalo. Halos nalalaman na nila ang nangyari. Hindi naging lihim ang sakit ni Inay sa aming mga kapitbahay.

"Kawawa naman si Linda. Hindi na tumagal."

"Sabagay mabuti naman kaysa maghirap pa."

"Kawawa naman ang mag-aama. Malaking kawalan si Linda. Napakasipag pa naman niya."

"Sino kaya ang magpapatuloy ng kanilang tindahan sa palengke?’

"Si Marisol. Masipag din naman ang batang ‘yan."

Iyan ang usap-usapan ng mga dumalong kapitbahay.

(Itutuloy)

AKING

AKO

ARABO

INAY

KAWAWA

SAUDI ARABIA

SI MARISOL

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with