Maria Soledad (Ika-56 na Labas)
June 16, 2003 | 12:00am
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)
NAG-SORRY ako kay Inay. Ipinaliwanag kong nahihirapan na ang aking kalooban dahil sa mga pagmamalupit ni Tatay. Hindi na siya nagiging makatwiran. Wala naman akong ginagawang masama. Lahat na lamang ay masama ang aking ginagawa at laging nagsususpetsa. Iyon ang dahilan kaya kung minsan ay sinisisi ko siya kung bakit hindi pa ako ipina-abort noon.
"Hindi na po mauulit Inay," sabi ko.
"Darating din siguro ang araw na makikita ng tatay mo ang mga hindi magandang ipinakita sa iyo. Hiling ko lamang, sundin mo na kung anuman ang gusto niya. Tanggapin na natin na talagang istrikto siya. Lahat ng mga gusto niya ang kailangang masunod."
"Ganyan talaga ang ginagawa ko Inay para naman masulit ang ipinagpapaaral niya sa akin."
"Huwag na rin kayong mag-aaway ni Ate Neng mo. Napaka-samang tingnan na nag-aaway ang magkapatid."
"Si Ate Neng naman kasi ang nagsisimula. Naiinggit kasi siya sa akin."
"Bakit naiinggit?"
"Mas maganda kasi ako sa kanya at mas matalino."
Napangiti si Inay.
"Paano mo nalaman na naiinggit?"
"Sinasabi kay Dang. Sabi raw ni Ate Neng, naiiba ang aking mukha kumpara sa kanila."
"Masama sa magkapatid ang nagkakainggitan."
"Ang masama kasi kay Ate Neng ako ang pinagbibintangan niyang may mga kausap na lalaki gayong siya itong may boyfriend na."
Natigilan si Inay. Hindi makapaniwala sa aking narinig.
"Totoo ba yang sinasabi mo?"
"Opo Inay. Nakita ko sila nang minsang magtungo ako sa isang booktsore para bumili ng libro. Magkahawak pa sila ng kamay ng boyfriend niya. Kaklase rin niya ang lalaki."
"Makikita sa akin ng babaing yan."
"Inay huwag mong sasabihing ako ang nagsumbong."
"Kailangang malaman ito ng tatay mo."
Naisip ko kapag nalaman ni Ate Neng na ako ang nagsumbong tiyak na ako naman ang aawayin. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended