^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-47 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

"KAILAN ka dumating galing Italy?" tanong ni Tatay nang makita ang kaibigan ni Inay. Noon daw ay madalas nang dumadalaw ang kaibigan ni Inay at kakilala na rin ito ni Tatay.

"May isang linggo na ako rito. Kumusta?"

"Eto buhay pa rin kahit maraming problema –problema sa pera at sa marami pang iba…"

Kahit hindi binanggit, may sundot na naman ang sinabi ni Tatay.

"Hiyang ka sa Italy. Dati ay payatot ka, ngayon ay naging seksi ka na. Marami ka na sigurong dollar ano?"

"Hindi naman gaano. Pero kumpara noong narito pa ako sa Pilipinas, mas maganda ang buhay namin ngayon."

"Buti ka pa. Kami rito ay patuloy sa isang kahig, isang tuka."

"Sabi ko nga kay Linda sana ay nag-Italy na lang siya…"

Napatingin si Inay kay Tatay. Ako naman ay nakatingin lamang sa kanila habang nag-uusap.

"Sana nga nag-Italy na lang. Walang suwerte sa Saudi… nagkaletse-letse kami dahil sa lintik na Sauding ‘yan."

"Tumakas pala siya sa kanyang amo ano?"

"Oo. Mga walanghiya kasing mga putang inang Arabo na ‘yon. Mga manyak pa!"

"Sa Italy, mayroon ding malupit na amo, pero mabibilang sa daliri. Mga Katoliko rin kasi ang mamamayan doon, at least may takot sa Diyos."

"Oo nga. Kailan ba ang balik mo sa Italy?"

"Mga two months ako rito."

"Ang mister mo?"

"Nasa Italy. Hindi kami maaaring magsabay sapagkat nasa isang employer kami."

"Sarap siguro ng buhay ninyo ano. Magkasama palagi. Lahat nalalaman ang galaw ng bawat isa..."

May laman ang pananalitang iyon ni Tatay.

Patuloy sa pagsasalita ang kaibigan ni Inay.

"May sarili na kaming kotse at bahay sa Italy."

"Sarap naman ninyo."

"Hindi rin."

"Bakit?"

"Wala kaming anak."

Napatangu-tango raw si Tatay.

"Buti pa nga kayo ni Linda dalawa na ang anak. At itong bunso mo e napakaganda," tumingin sa akin.

Tumingin din sa akin si Inay at pagkatapos ay si Tatay.

"Gusto mo, ampunin mo na lang ‘yan…"

Nagliwanag ang mukha ng kaibigan ni Inay. Tinatantiya kung nagbibiro si Tatay. (Itutuloy)

BUTI

INAY

ITALY

MGA KATOLIKO

NASA ITALY

OO

SA ITALY

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with