^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-29 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

WALANG magawa si Inay kundi tanggapin ang nakasusugat na pananalita ni Tatay.

"Nagtataka lang ako dahil ang dalas mong ibalita noon na mabait ang iyong mga amo lalo na ‘yung lalaki. Sabi mo sa sulat mo, may pinag-aralan at mukhang hindi makabasag-pinggan. Tapos ngayon, nireyp ka, putang-ina!"

"Hindi ka ba naniniwala. Masyado na nga ang hirap na dinanas ko roon tapos ay ganito pa ang sinasabi mo sa akin," sabi raw ni Inay nang hindi na nakatiis. Pinanindigan na niya ang "pagsisinungaling" na nireyp siya kahit na hindi.

"Mahirap kasing tanggapin na umuwi ka na may laman ang tiyan."

"E di huwag mo na akong pakisamahan. Maaari naman akong mamuhay na mag-isa."

Natahimik daw si Tatay makaraang sabihin iyon ni Inay. Nabagbag daw marahil ang kalooban dahil sa sinabi niyang huwag nang pakisamahan. Kasunod daw ay ang paghagulgol ni Inay.

"Huwag kang umiyak diyan," sabi raw ni Tatay. "Sana maintindihan mo rin ako. Madali ko bang matatanggap ang nangyari na umuwi kang may laman ang tiyan."

"Ano ang gagawin ko?"

Napailing-iling daw si Tatay at ang sumunod na sinabi’y nakababagbag-damdamin.

"Mula nang ibalita mo ang nangyari kung anu-ano na ang naisip ko. Alam mo bang ilang araw na akong hindi nakakatulog dahil sa nangyari sa iyo."

Si Inay naman ang natahimik. Pinakiramdaman ang mga susunod pang sasabihin ni Tatay.

"Ano ang sasabihin ng mga kapitbahay natin. Kahit na sabihin ko pang nagahasa ka sa Saudi, hindi pa rin sapat lalo at malalaman nilang nadeposituhan ka. Tang-ina ano bang kamaasan ito?"

"Ano ang gusto mong gawin ngayon?"

Hindi na umimik si Tatay. Ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Walang imikan.

Hanggang sa mapuna ni Inay na ibang lugar ang kanilang pupuntahan. Patungo sila sa isang lugar sa Makati. Binagtas ang patungong Pasong Tamo St. hanggang sa iniluwa sila sa J. P. Rizal. Deretso sa may tapat ng Sta. Ana Racing Club sa Reyes Avenue.

"Ba’t dito tayo nagpunta?"

"Dito na muna tayo. Hindi ko kaya kung sa tirahan natin. Hindi ako makahaharap sa kapitbahay natin lalo na kung ipanganak mo na ‘yan."

(Itutuloy)

ALAM

ANA RACING CLUB

ANO

INAY

PASONG TAMO ST.

REYES AVENUE

SI INAY

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with