Koronang tinik (Ika-91 labas)
April 2, 2003 | 12:00am
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)
KAPAG naiisip ko ang mga nangyaring trahedya sa aming buhay, hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang pamilyang tahimik na namumuhay noon sa probinsiya ay ganito ang kahahantungan. Wala pala talagang nakatitiyak sa magiging kapalaran ng tao. Akalain ko bang ako ay magiging tomboy at makikipagrelasyon sa kapwa ko babae. Aakalain ko bang ang aking ina ay maaatim na aagawin ang asawa ng kanyang anak. Aakalain ko rin bang si Ate na ang tingin ko ay isang babaing hindi gagawa ng kaimoralan ay papatol sa kanyang boss? At aakalain ko rin bang magiging maikli ang buhay ng aking ama dahil sa tinamong problema? Pero isa ang aking napatunayan, sa pagkakaroon ng mabigat na problema ng tao kaya siya nagiging matibay. Kung walang problema ang tao, walang kuwenta ang pamumuhay niya rito sa mundo.
Patuloy ang inog ng buhay para sa akin. Mula nang matanggap ako bilang Physical Education teacher sa high school department ng isang kilala rin namang unibersidad sa Manila, ay naging madalang na ang pagkikita namin ni Ate. Ni hindi ko na tinatawagan sa telepono. Inaamin ko, masyado akong nalibang sa aking trabaho. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa propesyong iyon. Bagamat hindi sapat ang suweldo, maligaya ako sapagkat iyon talaga ang trabahong gusto ko. Masigla akong pumasok para magturo. Lubha akong naging dedikado sa pagtuturo bagay na nakita naman ng mga kasamahan ko at mga nakatataas na opisyal. Masarap pakinggan ang puri na "mahusay kang PE teacher". Maski ang mga estudyante ko ay tuwang-tuwa kapag ako ang nagtuturo sa kanila. Marami raw silang natututuhan.
Kaya naman labis kong iningatan ang aking reputasyon. Ayaw kong masira ang aking pangalan. Subalit nakatakda rin palang masira dahil sa pakikipagrelasyon ko kay Chona.
Naging matindi na kasi ang relasyon namin ni Chona. Nagsama na kaming tuluyan. Kumuha kami ng isang apartment at doon parang tunay na mag-asawa na nagsama. Ako ang "padre de pamilya". Ganoon man, iningatan kong mabulgar sa school na pinagtuturuan ang relasyon. Alam ko, malaking kasiraan sa school kung malalaman na ang isang guro ay may relasyon sa kapwa babae.
Pero sumingaw din ang lihim. Si Chona ang nagpasingaw.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended