Nakatapak ang paa sa hukay (ika-20 labas)
November 4, 2002 | 12:00am
(True to life story ni P/Supt. Romulo E.Sapitula,Commanding Officer ng WPD-Mobile)
UMAGA ng April 8, 1999, isang hostage ang naganap sa M. dela Fuente St. Sampaloc, Manila. Hinostage ni Dennis Mijaro, 28, binata, ng Sto. Cristo, Extn. Tondo, Manila sina Jen-Jen Uy, 11, at Juanita dela Cruz, 25, house maid ng Vicente Cruz St., Sampaloc, Manila.
Nang dumating sa lugar sina Sapitula ay marami na ang nag-uusyusong tao. Nasa kanilang mga mukha ang takot at pagkabahala na baka kung ano ang gawin ng hostage taker sa dalawang hostages. Napuno kung anu-anong usap-usapan ang paligid. Napawi lamang iyon nang dumating nga sina Sapitula at nagsimula ang negosasyon para palayain ang dalawang babae. Matigas si Mijaro.
Sa isipan ni Sapitula ay naroon na naman ang isang pangamba na baka mabigo sila. Subalit ang pangambang iyon ay madali rin niyang nadurog. Magtatagumpay sila sa pagliligtas sa dalawang hostages.
Pagkaraan ng dalawang oras nang matindi, mahirap at mabigat na pakikipagnegosasyon, napasuko ni Sapitula si Mijaro.
Dalawang buhay na naman ang nailigtas.
Akala ni Sapitula ay wala nang susunod pang hostage drama. Meron pa pala.
Isang buwan ang nakaraan, noong May 8, 1999, dakong alas-kuwatro ng hapon, isang hostage taking ang naganap sa Dimasalang St., Sta. Cruz, Manila. Hinostage ni Alexander Go ang sariling anak.
Mabilis na nakumbinsi ni Sapitula si Go na sumuko nang mapayapa.
Si Sapitula rin ang nagpasuko kay Michael Vergara ng Nicodemus St., Tondo, Manila makaraang i-hostage nito ang sariling lola.
Sa bawat hostage taking na nasuungan ni Sapitula, pakiramdam niyay nakatapak ang kanyang kanang paa sa hukay. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am