^

True Confessions

Kailangang magsakripisyo (Ika-7 labas)

- Ronnie M. Halos -
(True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, Commanding Officer ng WPD-Mobile)

ANG kahirapan ng buhay ang naging hagdan ni Sapitula para pagbutihin ang pag-aaral. Para sa kanya ang pagkakamit ng karunungan ang isang pinaka-epektibong paraan para makamit ang mga pangarap sa buhay. Alam niya na kapag hindi nakapag-aral o walang natapos sa pag-aaral ang isang tao, hindi makasisiguro sa kanyang magiging buhay sa hinaharap. Mas malamang na walang patutunguhan ang buhay. At ayaw ni Sapitula na mangyari sa kanya iyon. Kaya nakatanim sa kanyang isipan na pagbubutihin ang pag-aaral kahit na anuman ang mangyari. Ang kahirapan ay hindi magiging hadlang para hindi matupad ang pangarap sa buhay.

Natatandaan pa ni Sapitula na noong nag-aaral pa lamang siya sa Tanglag Elementary School, ay grabe nang hirap ang kanyang dinanas, ganoon din ang kanyang apat pang kapatid. Paano’y kailangan nilang maglakad ng kung ilang kilometro para makarating sa school. Mas mahirap kung panahon ng tag-ulan sapagkat maputik ang daan. Nagtapos siya ng elementarya noong 1976.

Mas lalo nang grabeng pagtitiis ang ginawa niya noong nasa high school siya sa SIPSC. Hindi pawang aral lamang ang dapat niyang gawin. Kailangang tumulong siya sa mahihirap na magulang. Palibhasa’y siya ang panganay, kailangang magpakita siya ng halimbawa sa mga kapatid para tularan. Kailangang maging modelo siya ng mga nakababatang kapatid. (Itutuloy)

ALAM

COMMANDING OFFICER

ITUTULOY

KAILANGANG

KAYA

NAGTAPOS

ROMULO E

SAPITULA

SIYA

TANGLAG ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with