^

True Confessions

True Confession ni Nelia,isang DH sa HongKong: 'Simula ng kalbaryo'

- Ronnie M. Halos -
(Ika-127 labas)
Ang pag-alis pala ni Rashid ang magiging hudyat ng mga masasakit na karanasang kahaharapin ko sa kanyang amang si Mayman. Nawalan ako ng kakampi. Kahit na hindi tuwiran ang pagkakaroon namin ng relasyon, itinuring ko na sa sarili ko na may pagmamahal din siya sa akin. Nagkaroon din siya ng simpatya sa akin. Sa akin niya natutuhan at naranasan ang kabuuan ng pagiging lalaki. Alam ko, ang pag-alis ni Rashid ay katapusan na rin ng "relasyong" iyon. Malaki ang paniwala ko na kusang inilayo ng mag-asawang Mayman ang kanilang anak. Siguro’y may nahalata na sa aming dalawa ni Rashid. Iyon ang aking nararamdaman.

Ikalawang araw nga mula nang makaalis si Rashid ay nagsimula na ang masasakit o mahahapding pangyayari sa aking buhay. Hindi ko maaaring malimutan ang lahat na iyon na para bang katapusan na ng mundo.

Dumating dakong ala-una ng hapong iyon si Mayman at ibig akong "pagparausan". Malakas na ang loob ng hayok sapagkat wala nang darating na pang-abala. Malaya nang magagawa ang lahat. Katatapos lamang ng Ramadan at sa tingin ko ang pagkakabakasyon niya sa sex (kung Ramadan ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga Muslim ang pakikipag-sex) ay para bang nagbigay nang matinding kaululan sa laman. Tinakaw lamang nang may isang buwang diyeta sa pakikipag-sex.

Tinawag ako sa kusina at niyaya doon sa kanilang kuwarto. Tumanggi ako. Sabi ko’y mayroon akong menstruation. Ikalawang araw. Nagsalubong ang kilay ng hayok. Ang mga matang mapupungay ay tumapang. Para bang hindi matanggap ang kabiguan.

"Kaif ant?"
tanong na may taas ang boses.

"Hal tafhamani?"
tanong ko rin. Hindi ba niya naiintindihan na mayroon akong menstruation.

Gimbal ako nang sabihin nitong maaari rin naman daw mangyari iyon kahit na may menstruation. Maaari naman sa ibang bahagi. Lalo akong nagimbal sa kanyang sinabi. Anal sex ang tinutukoy niya.

Ayaw kong pumayag subalit gaano ang aking lakas laban sa isang hayok na parang isang taon nang hindi nakatitikim ng "laman".

Hinila ako patungo sa kuwarto at doon ay nagsimula ang aking kalbaryo. (Itutuloy)

ALAM

AYAW

DUMATING

HAL

HINILA

IKALAWANG

MAYMAN

NANG

RASHID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with