^

True Confessions

True Confession ni Nelia, isang DH sa HongKong: 'Sagot sa katanungan' (Ika-125 labas)

- Ronnie M. Halos -
KUNG kay Rashid ay nakatatanggi akong huwag makipag-sex, hindi ko naman magawa iyon sa kanyang amang si Mayman. Aywan ko ba kung bakit kapag kaharap ko na ang hayok na si Mayman ay wala akong magawa kundi ang sumunod. Kahit na pagod na pagod na ako sa pagtatrabaho ay hindi ako makatanggi. Sa kalaliman ng gabi ay parang asong ulol na susugod sa aking kuwarto at idaraos ang pagnanasa. At ako’y parang laruang manika na gagamitin.

Kung minsan ay darating dakong ala-una ng hapon at tatawagin ako sa aking ginagawa sa kusina at paaakyatin sa kanilang kuwarto. Doon ay muli akong pagpaparausan. Walang kasawa-sawa si Mayman. Kapalit ng pagpaparaos ay ang kabayaran. Ganoon lamang kadali at pera na. Subalit may sumisikad sa aking konsensiya. Hanggang saan ako dadalhin ng pagkahulog sa mag-amang Saudi?

Hindi ko akalain na magkakaroon ng kasagutan ang mga iyon makalipas ang tatlong buwan. Noon ay katatapos lamang ng Ramadan (banal na buwan ng mga Muslim). Wala si Rashid sapagkat nasa Al-Khobar at doon pinalipas ang Ramadan. Hindi ko alam kung sadyang dinala roon sapagkat may nahahalata na sa amin.

Dakong ala-una ng hapon ay dumating si Mayman at gusto na naman akong gamitin. Subalit mali ang tiyempo sapagkat may menstruation ako noon. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AL-KHOBAR

AYWAN

DAKONG

GANOON

HANGGANG

ITUTULOY

MAYMAN

RASHID

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with