True Confession ni Nelia, isang DH sa HongKong: 'Mahirap pagkatiwalaan'
July 22, 2002 | 12:00am
"Doon tayo," sabi ni Vicky. Tinungo namin ang sulok ng restaurant at pinili ang pandalawang mesa. Naupo kami. May mangilan-ngilan nang Pinoy na kumakain doon. Nakahiwalay ang upuan ng mga lalaki sa babae.
"Anong gusto mong kainin?" tanong sa akin.
"May adobong manok kaya sila diyan o kahit sinigang na talakitok?"
"Lahat meron sila. Kabisado ko na ang restaurant na ito."
"Ako ang magbabayad ng kakainin natin, Vicky," sabi ko upang hindi na makatanggi.
"Uy mukhang me naitatago ka nang dolyares ha?"
"Wala pa. Magdadalawang taon pa lang ako."
"Malaki sigurong suweldo mo ano?"
"Maliit lang."
Pinaorder ko na si Vicky makaraang abutan ko ng pera. Nang magtungo ito para pumili ng ulam ay kinabahan ako sa pagkakaupo. Saan hahantong ang pagkikita namin. Baka malaman ang aking tirahan o kayay ang number ng telepono. Baka madiskubre ang pakikipagrelasyon ko kay Rashid. Kailangan kong mag-ingat sapagkat si Vicky ay magaling humalungkat ng buhay nang may buhay. (Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended