True Confession ni Nelia, isang domestic helper sa HK: 'Enjoy ako sa Saudi' (Ika-11 labas)
June 12, 2002 | 12:00am
NAGWAWALIS ako sa ilalim ng eucalyptus tree na nasa loob ng bakuran nina Mr. Mayman nang lumapit sa akin si Rashid at parang nahihiyang sinabi na "Mahal kitah. Ano ka hiloh..."
Gusto kong humagalpak ng tawa sa sinabi niya sapagkat halatang minemorya ang sinabi. Parang utal pa ang pagkakabigkas. Naisip kong iyon ay itinuro marahil ng dating maid na Pinay. Siguroy kung anu-ano ang itinurong salita na sa halip matuto ang tinedyer ay lalo pang namali. Akala yatay karugtong ng salitang "mahal kita" ang "ano ka hilo?" Tawa ako nang tawa at halos hindi mapigilan. Nakatingin lamang sa akin si Rashid na alangan ang pagkakatawa.
"Malih ba sabih ko, Filibin?" tanong ni Rashid.
"Tama," sagot ko. At itinuro sa kanya ng tama ang iba pang Filipinong salita. Nakikinig naman ang tinedyer. Pagkatapos kong maituro ang ilang salita ay ako naman ang tinanong ng Arabic na hindi ko malaman kung ano.
"Me ain taji?"
Nakanganga ako sa tanong niya.
"Hindi ko alam," sabi ko.
Si Rashid naman ang humagalpak ng tawa. Para bang nakaganti sa ginawa kong pagtawa sa kanya kanina. Mabuti na lamang at sinabi nito sa English. Baluktot ang English pero naintindihan ko naman.
"Where are you from?" tanong nito.
"I came from Manila," sagot ko.
"Is Manila far from Cotabato?"
"Very far," sagot ko.
At kung anu-ano pa ang itinanong sa akin. Napansin ko na kaiba nga ang tinedyer sapagkat magalang at ang hangad ay makipagkuwentuhan. Siguroy nagsasawa na rin na walang nakakausap sa bahay sapagkat wala naman itong kapatid. Naghahanap ng makakausap. Naisip ko, marahil ay naging close ni Rashid ang dati nilang Pinay na maid. Tinanong ko kung anong pangalan ng dati nilang maid.
"Fatima," sagot ni Rashid.
Mula noon ay napanatag nang lalo ang aking kalooban sa bahay nina Mr. Mayman. At nasabi ko sa aking sarili na mag-eenjoy ako rito. Gusto ko laging nakikita si Rashid at makipagkuwentuhan sa aking among tinedyer. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended