Yapak sa bubog (Ika-124 na Labas)
February 17, 2002 | 12:00am
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)
Alam kong nakasubaybay sa amin ni Aziza si Ellie. Nakita ko siya sa may pintuan ng kitchen bago ako pumasok sa aking kuwarto. Alam kong problema ang susunod na mangyayari. Maaaring sumiklab ang gulo sa pagitan ng dalawang babae.
Humiga si Aziza sa aking kama. Sanay na sanay na. Alam kong hindi ang pang-ipit sa buhok ang kanyang sadya kundi para magkasarilinan kami. Iisa ang palagay ko, sadya niyang ginagawa iyon upang inisin si Ellie. Noon pa man ay mayroon na silang hindi magandang pakikitungo sa isat isa. Alam ko sapagkat minsan ay nasabi sa akin ni Aziza na "karban" (sira-ulo) daw si Ellie. Tanong koy bakit niya nasabing "karban" si Ellie. Ang sagot ay hindi raw siya kinikibo maski kinakausap niya. Galit daw siya kay Ellie. Mas mabuti pa raw si Tet noon. Sabi ko namay mabait si Ellie. Lahat ng Filibini (Filipino) ay mababait. Hindi raw. Masama raw si Ellie. Kaya nga siguro bilang pang-aasar ay ninanakaw ni Aziza ang gamit ni Ellie.
May lihim na silang pag-aaway at ngayon ngay nakikinikinita kong magkakaharap sila. Maliban na lamang kung si Ellie ang magpapakahinahon. Natitiyak kong hindi magdadalawang-isip si Ellie na sumunod sa kuwarto lalo na at wala nga sina Sir at Mam sa bahay sapagkat may pinuntahang okasyon.
Itinanong uli ni Aziza ang tungkol sa pang-ipit sa buhok. Nangungulit na. Ang pagkakahiga niya sa aking kama ay nanunukso na. Nakalilis ang manipis na damit at nakalantad ang hita. Tinatakaw ako.
"La! Mafi!" sagot ko. Wala akong nakikitang ipit.
"Atazakar!" (Natatandaan ko.)
Ipinilit kong wala. Lalo namang nalilis ang damit. Nakita ko ang itim na panloob. Me sumisikad sa kaibuturan ko. Huwag ngayon! Maaaring dumating si Ellie! Kung anu-ano ang sumigaw sa kabilang bahagi ng aking utak. Malaking problema ang mangyayari.
Hinagip ni Aziza ang aking kamay at pinauupo ako sa gilid ng kama. Ang pagkalilis ng damit ay nag-aanyaya. Napaupo ako subalit may takot na baka biglang dumating si Ellie.
"Hal anta fi hala jaiyedah?" Okey na raw ba talaga ako.
Hindi ko na nasagot ang tanong ni Aziza sapagkat narinig namin ang pagbukas ng pinto at pagkuwadro ni Ellie sa pinto.
"Maza tahtaj?" sigaw ni Aziza kay Ellie. Galit ang tinig. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am