Yapak sa Bubog (Ika-123 Labas)
February 16, 2002 | 12:00am
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar, Saudi Arabia. Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi. Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)
"HAL anta fi hala jaiyedah?"
Nagulat ako sa tanong ni Aziza kinabukasang ihatid ko sila sa pinapasukang school. Mahina lamang ang pagtatanong sapagkat baka marinig ng mga kapatid lalo na ni Muhammad. Itinanong ni Aziza kung okey na ang katawan ko.
"Hasanon jedan," sagot ko naman. Okey na ako. Ang totooy nagsinungaling lang naman ako na masama ang pakiramdam kagabi. Paraan ko lang iyon para walang mangyari sa amin.
Lalo akong nagtaka nang palihim niyang iabot sa akin ang nasa isang supot na plastik. Nakita kong mga gamot. Inumin ko raw iyon para maging maginhawa ang aking pakiramdam.
"Shokran," sabi ko. Bumaba na siya sa kotse at pumasok ng gate ng school.
Pinag-isip na naman ako ni Aziza sa tunay niyang damdamin sa akin. Nagmamalasakit na sapagkat pinag-aksayahan ako ng panahon para ihanap ng gamot.
Ilang araw ang lumipas. Hanggang isang gabing inaayos ko sa pagkakaparada ang mga sasakyan sa garahe ay nilapitan ako ni Aziza. Sina Sir at Mam noon ay wala sa bahay sapagkat inimbitahan ng kaibigang ikakasal. Inihatid ko lamang sila at susunduin ng alas-dose ng gabi.
Kinumusta ako ni Aziza kung okey na ang pakiramdam ko. Sabi koy mafi muskila. At hindi ko inaasahan na itatanong niya kung nakita ko raw ang kanyang pulang pang-ipit sa buhok. Ang pang-ipit ay naiwan niya sa aking kuwarto. Iyon yung itinapon ko sa basurahan.
"Aina wadhatal?" (Saan mo iyon inilagay?)
"Mafi." (Wala.)
Pinanindigan ko na wala akong nakitang ipit ng gabing magpunta siya.
"Kaifa yakun zalek?"
Umiling-iling ako.
Saka sinabi na hahanapin niya ang ipit sa kuwarto ko. Nagmamadali itong lumakad papunta sa aking kuwarto. Nagmamadali naman akong humabol at nagpaliwanag na wala akong nakitang ipit. Subalit mabilis itong maglakad at nakapasok sa kuwarto.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya sa loob. Bago ako tuluyang nakapasok ay nakita ko si Ellie sa may pintuan ng kusina at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Alam kong nakita niya ang pagpasok ni Aziza sa aking kuwarto. Nagsimula na naman akong maguluhan. Pahamak talaga ang ipit na iyon. Problema ko na naman ang dalawang babae. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended