^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-35 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia. Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi. Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

Nagmamadali akong umalis nang papalapit na ang motawa sa kinaroroonan ko. Ang motawa ay ang religious police. Madaling makikilala ang motawa sapagkat bitin ang suot nilang thob (puting sutana) at may mahabang balbas na tinabas nang patulis. Halos lahat nang mga motawa ay may iisang desenyo ng balbas. Mababagsik ang mga motawa kaysa sa mga tunay na police. Mas makapangyarihan at walang makapipigil kapag gusto nilang arestuhin ang isang tao na inaakala nilang gumagawa ng mali. Siguro’y napansin ng motawa ang palihim kong paghabol ng tingin kay Aziza kaya papalapit sa akin. Iyon ang hula ko.

May ilang buwan din (mula nang magsuot ng abaya) na hindi naging palakibo at animo’y suplada sa akin si Aziza. Madalas ko rin siyang hindi makita lalo na kapag ako ay nagdidilig o naglilinis ng kotse. Noon kapag gumagawa ako sa bakuran ay pinanonood niya ako sa aking mga ginagawa. At hindi ko na inaasahan na babalik pa ang pakikipagbiruan sa akin o ang pagpunta-punta niya sa kuwarto. Wala na akong pag-asa na makikipagtawanan pa siya sa akin o hihingi ng tulong kung may ipagagawang hindi makakaya. Bawal (haram) na ang pakikipag-usap sa lalaki, maliban sa kanyang ama o kapatid.

Subalit nagulat ako nang isang araw na wala silang pasok sa school ay kumatok sa aking kuwarto. Noon ay wala sina Sir at Mam at dumalo sa isang araw na conference umano sa Riyadh. Sa gabi na umano ang kanilang balik at kami lamang nina Ellie, Aziza at mga kapatid ang naiwan sa bahay.

Nagulat ako sa mahihinang katok sa pinto. Nagtaka ako kung sino iyon. Sinilip ko muna sa maliit na butas sa pinto. Si Aziza nga. Kinabog ang dibdib ko sa nerbiyos. Hindi ko malaman kung bubuksan ko ang pinto.

Narinig ko uli ang mahihinang katok kasunod ang boses na nakikiusap.

"Ayomken liya dokhul?"


Maaari raw ba siyang pumasok. Nagtalo ang aking isip kung papasukin si Aziza o hindi. Baka may makakakita sa kanya sa pagpasok sa kuwarto at mag-isip nang masama. Baka kung ano ang mangyari sa akin.

Sa dakong huli ay nagpasya akong papasukin si Aziza. Binuksan ko ang pinto. (Itutuloy)

AKO

AL KHOBAR

AYOMKEN

AZIZA

BATAY

NANG

REN E

SAUDI ARABIA

SI AZIZA

SI REN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with