^

PSN Showbiz

Daniel, ibang-iba na ang landas

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Kapamilya star Daniel Padilla is set to attend the Bagong Pilipinas “Pagkakaisa” concert in Davao. Bakit? Dahil ba naniniwala siya doon or sa impluwensiya sa kanya ng mommy niyang si Karla Estrada?

Nagtataka pa ba ang madlang people? Parang hindi naman na yata. Parang na-confirm lang na magkaibang landas na talaga sila ni Kathryn Bernardo, ‘di ba?

Miss U Philippines, tadtad ng commercial kaya inumaga

Super haba ng naging Miss Universe-Philippines pageant at napuyat talaga ang mga acclang tumutok dito.

Bakit ganu’n, sobra bang naaliw ang organizers sa palabas nila? At pagkatapos ng announcement ng winner, heto ang sambit ng isang accla, “Ohh akala ko si BULACAN lang ang wagi? Bakit may mga CROWN ito? So kahit Lotlot and friends ehh Winwin pala ang mga Ate mo?

“Turo turo lang pala ang peg! Nakatulog na kasi ako sa haba ng palabas hahaha!”

May title rin pala ang mga runners-up, pero bakit pa?

Makaka-join pa kaya sila ulit sa next Miss Universe Philippines bilang recycled beauties?

Isang comment sa pageant kagabi, wala bang mga pangalan ang mga kandidata?

Ok namang tawagin sila sa kanilang mga lugar na nire-represent, pero mano bang banggitin din ang mga totoo nilang pangalan pagkatapos?

Mas kailangan namang banggitin ang mga names kaysa sa pagkahaba habang kuda ng mga taratitat na mga host at yung litanyang interview kay MMD!

Para tuloy DeeNatatapos Ang Gabi!!! At ang punchline pa eh parang it felt na 80% commercials daw at 20% lang ang pageant talaga. Ganu’n na ba kahirap gumawa ng show ngayon?

Karen, kinumpara kay Karmina

Parang ang tapang-tapang ni Karmina Constantino sa kanyang patutsada kay Larry Gadon sa kanyang TeleRadyo.

Ang galing! Nagtataka tuloy ang ibang netizens, hindi kaya mas hardhitting at probing pa ang pag-handle ni Karmina kung siya na lang sana ang nag-interview kay Mayor Alice Guo kaysa kay Karen Davila na parang kinulang sa pagka-probing at hinayaan pang magdrama ang public official in question na si Mayor Alice.

Sayang, lost opportunity ‘yun talaga kay Karen, ‘di ba?

Nakakataquote:

Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee shared the viral crowning moment of Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo.

“Natawa talaga ako sa pa-balancing challenge ni Michelle. hahaha inayos mo rin naman,” one netizen wrote.

“Ayan. At least I fixed it,” – Michelle Dee

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with