^

PSN Showbiz

Salpukan ng GMA at TV5 sa hapon, palalakasin!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Salpukan ng GMA at TV5 sa hapon, palalakasin!
Willie Revillame.
STAR/ File

Tatlong co-host na ang ipinakilala ni Willie Revillame para sa kanyang bagong show sa TV5 na Wil to Win.

Pero may narinig pa kaming dalawang ipakilala kaya lang kino-confirm pa raw.

Isang kilalang athlete at ang isa ay anak daw ng kilala at iginagalang na showbiz couple.

Pero nang tinanong namin ang ilang taong malapit sa mag-asawa, wala raw silang alam.

Talagang pinaghandaan nang husto ni Willie ang kanyang pagbabalik sa telebisyon pero ang dinig namin naghahanda na rin ang GMA 7 ng pantapat nila.

Basta isa sa mga araw na ito ay ibabahagi na raw sa amin ng staff ng show na ito kung ano naman ang pantapat nila sa programa ni Kuya Wil.

Maaring makakatapat nito ang Family Feud o baka mag-ayos sila ng programming nito.

Mas pinapalakas naman kasi ng GMA 7 ang panghapon nila dahil ito naman talaga ang consistent na toprater.

Lalo na ngayong humahataw sa ratings ang It’s Showtime na mainit pa ring pinag-uusapan ang kanilang segment na EXpecially For You.

Noong kainitan ng isyu kina Axel at Christine na sumali pa sina Nikko Natividad at Nico Locco, umabot ng 8.9 percent ang rating nito noong nakaraang Miyerkules. Pero in fairness naman sa Eat Bu­laga, hindi talaga umalis ang loyal viewers nila dahil madalas ay 3.5 o 3.7 percent ang rating nila.

Pagdating naman sa drama ay nagpapapaligsahan lang Abot Kamay Na Pangarap at ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na nagulat pa ang viewers nang biglang pumasok sa kuwento ang original superstar Nora Aunor.

Close kasi si Ate Guy kay direk Adolf Alix, kaya napapayag itong mag-guest.

Maganda rin ang ginawa ng GMA 7 na i-switch ang timeslot ng Fast Talk With Boy Abunda at ang Voltes V.

Replay na lang kasi ang Voltes V kaya hindi na umaabot ng 5 percent ang rating. Pero ang Fast Talk ni Kuya Boy ay nag-6.2 percent na ang rating nito.

Ang Family Feud naman ay consistent pa ring mataas, na hindi naman bumababa sa 8 percent ang rating nito.

Kaya tingnan natin pagpasok ng programa ni Willie Revillame kung maapektuhan ito.

JC, lumaban sa sayawan!

Puring-puri si JC Santos sa stage play nilang The Foxtrot na itinanghal sa Virgin Labfest nitong nakaraang weekend.

Tuwang-tuwa ang aktor dahil parang nahasa na naman daw ang pag-arte niya. Iba kasi talaga ang training kapag nasama ka sa isang dula.

Kasama ni JC dito ang maga­ling na taga-Repertory na si Liesl Batucan-del Rosario.

Matinding paghahanda ang ginawa niya rito dahil physically demanding daw ang mga sayaw na ginawa nila rito sa The Foxtrot.

Nagpapasalamat ang aktor nang nalaman niyang kasali siya sa nominado sa Best Supporting Actor category sa 7th The Eddys Awards. “Thank you, thank you! Suwerte! It’s Year of the Dragon, and I’m Dragon. So…” masayang pakli ni JC.

Pagkatapos niyang manalong Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival 2023 mula sa pelikulang Mallari, maganda ring sinundan niya ng isang mahirap na stage play kagaya nito.

““Gusto ko lang maibalik ulit ‘yung process ko. ‘Yung thinking na puwede akong mag-improve at marami pa akong puwedeng ibigay,” dagdag niyang pahayag.

Sabi pa ni JC, nangako raw ang mga kasamahan niya sa Mallari na papanoorin ang susunod niyang pagtatanghal sa Virgin Labfest bago matapos ang buwang ito.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with