^

PSN Showbiz

Janella, handang tumodo sa GL nila ni Jane

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janella, handang tumodo sa GL nila ni Jane
Janella Salvador at Jane de Leon

Nasa 200,000 views na ngayon ang music video ni Janella Salvador para sa kantang  Hey You mula sa Star Music.

Nakatambal ng singer-actress ang kaibigang si Jane de Leon sa naturang proyekto. Inihahandog umano ni Janella ang kanyang bagong awitin para sa mga kababayan nating miyembro ng LGBTQIA+ community. “I just want to say, you are my inspiration. You inspired my vision to give a gift for the community. I hope you enjoyed my gift,” nakangiting bungad ni Janella sa ABS-CBN News.

Matatandaang unang nagkatrabaho sina Janella at Jane sa Mars Ravelo’s Darna na nagtapos noong isang taon.

Ayon sa singer-actress ay mayroong dahilan kung bakit hindi sila naghalikan ni Jane sa music video. “It’s actually my concept talaga. I wanna cry, I’m so happy it actually happened. Alam kong maraming naiinis na hindi natuloy ‘yung kiss sa video. Pero there’s a reason behind that,” giit niya. 

Matatandaang napabalita rin noon na posibleng magkatambal sina Janella at Jane sa isang GL o girls love project. Para sa singer-actress ay kailangang ireserba ang mga maiinit na eksena nila ni Jane sa isang serye o pelikula. “Bigyan n’yo muna kami ng GL, para mag-kiss kami. I hope this opens the door for us. Ever since Jane and I had this bond. We’ve always… lalo na ako, I don’t know, pero I’ve always wanted us to… sana matuloy na ‘yung GL. Sobrang na-excite kami. Tapos hindi siya natuloy, we’ve been crying out loud for it,” nakangiting pagtatapos ng singer-actress.

Mika, may payo sa mga bagong Goin’ Bulilit

Kamakailan ay magkasamang dumalaw sa taping ng bagong Goin’ Bulilit sina Mika dela Cruz at Nash Aguas. Excited na ang mag-asawa sa pagbabalik ng naturang kiddie gag show. Ilang taong naging bahagi ng programa sina Mika at Nash noong kanilang kabataan. “Grabe, ang saya po. Masaya po and excited kami. Na-miss namin silang lahat (na production team) definitely and excited rin kami kasi mukhang nakaka-build na rin ng friendships ‘yung mga bata,” masayang pahayag ni Mika.

Halos hindi makapaniwala ang aktres na mayroon ng bagong he­nerasyon ng mga batang magpapasaya sa mga manonood. “Sobrang nostalgic po, hindi kami maka-focus ni Nash eh. tawa lang kami nang tawa dahil hindi kami makapaniwala na kami ‘yon (dati). Grabe, ang sarap sa pakiramdam na GB is back,” dagdag pa niya.

Nagbigay ng payo si Mika para sa lahat ng batang kasama ngayon sa bagong kiddie show ng Kapamilya network. “Just enjoy the ride. It goes by so quickly. Just enjoy it and along the way, marami talaga kayong matututunan hindi lang professionally. At the same time, alagaan n’yo ang mga friendships na mabubuo n’yo dito sa Goin’ Bulilit. Respetuhin n’yo ang mga staff natin, ‘yung pinaka-core dahil iba silang mag-alaga, iba silang magmahal. Savour n’yo lahat ng matutunan n’yo dahil definitely magagamit n’yo ‘to hindi lang sa work, even sa personal lives,” paglalahad ng aktres. — Reports from JCC  

vuukle comment

ACTRESS

JANE DE LEON

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with