Kapamilya, National winners sa Asian Academy
Umani ng walong parangal ang ABS-CBN at tinanghal na National Winners sa 2024 Asian Academy Creative Awards. Ang mga nanalo ay lalaban sa pinakamagagaling sa Asya sa Grand Awards na gaganapin sa Disyembre sa Singapore.
Ang mystery-thriller serye na Linlang, na unang pinalabas sa Prime Video, ang tinanghal na big winner at tumanggap ng tatlong parangal para sa Best Drama Series, Best Actor in a Supporting Role para kay JM de Guzman, at Best Supporting Actress para kay Kaila Estrada.
Wagi rin si box-office queen, Kathryn Bernardo, ng Best Actress in a Leading Role para sa kanyang comeback na pelikula, A Very Good Girl. Tumanggap din ng parangal ang seryeng pinagbidahan ni Kim Chiu at Paulo Avelino, ang What’s Wrong with Secretary Kim, isang adaptation ng Viu at produkto ng ABS-CBN, at naiuwi ang Best Adaptation of an Existing Format para sa Scripted na kategorya.
Ang direktor ng Can’t Buy Me Love, na si Mae Cruz-Alviar, ay nag wagi rin sa kategoryang Best Direction (Fiction).
Ang It’s Showtime at ASAP Live in Milan ay nanalo rin ng Best General Entertainment Program at Best Music or Dance Program awards, ayon sa pagkakabanggit.
Pinapangaralan ng Asian Academy Creative Awards (AAA) ang mga pinakamagagaling mula sa 17 tulad ng Australia, New Zealand, Bangladesh, Cambodia, Chinese Mainland, Hong Kong SAR, India, Indonesia, Japan, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, at Vietnam.
- Latest