^

PSN Showbiz

Ria, sinabay sa father’s day ang pag-display ng baby bump!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

“To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you! @onlyzanjoemarudo so excited with this new chapter with you. Happy First Father’s Day,” ang message ni Ria Atayde sa asawa niyang si Zanjoe Marudo.

Kumusta na kaya sila?

Mas naka­kagaan na ba sa pakiramdam at hindi na maselan ang pagbubuntis ni Ria?

Gaano kaya sila ka-excited sa pagkakaroon ng baby?

Ang saya lang dahil parang mayroon palaging ganap sa Atayde family.

Sharon at Julia, may gagawin ba?

Totoo ba, magkakaroon ng teleserye na ang magbibida at magkakasama ay ang Megastar Sharon Cuneta at si Julia Montes.

Ang tawag dito ay the biggest soap event of the year!  Tungkol saan kaya ito?

At sinu-sino ang kanilang makakasama?

Nakabalik na ba sa bakasyon sina Coco at Julia at puwede na siyang sumabak sa trabaho muli?

‘Di ba’t ang Megastar, pagkatapos ng kanyang bakasyon at nag-shoot na agad ng isang commercial!

Masaya lang na active ulit ang mga artistang alam nating marami pang magagawang maganda para sa ating industriya.

Barbie, itatambal kay JC

Of all the possible Kapamilya leading men, bakit kaya si JC Alcantara ang ipapares kay Barbie Forteza?

Kung hindi ang boyfriend niyang sina Jak Roberto o ang ka-love team ngayon na si David Licauco, wala na ba silang makuhang makakapag-angat ng estado ni Barbie bilang mahusay na artista at bankable star?

Si JC Alcantara talaga?

Oh well, sana mag-work!

Sana magkatulungan ang Kapuso at Kapamil­ya sa direksyon ni Derrick Cabrido.

Nadine, gulat na magiging Kapamilya na

Talaga bang si Nadine Lustre ang sinasabing mala­king artistang magbabalik Kapamilya?

Teka, kailan ba siya umalis, eh hindi naman ‘di ba?

Siya raw ang napipisil umanong bumida sa Philippine remake ng hit K-drama na True Beauty na collab project ng Viu at ABS-CBN Studios.

In fairness bagay ‘di ba?

Pero true and real beauty ba talaga si Nadine?

Louis Alandy, ramdam ang pagmamahal sa tatay

Napag-usapan ang magandang pagpapakita ng pagmamahal ni Adrian Louis Alandy sa kanyang Papa for his death anniversary and Father’s Day!

Ang ganda ng kanyang tattoo? Sino kaya ang may gawa nu’n?

Nakaka-miss na ring makita muli sa TV at pelikula si Adrian o Louis Alandy.

Talagang buong totoong pangalan na ba ang gagamitin niya?

Sana pagpalain siya sa pagiging mabuting anak with his father watching him from heaven, ‘di ba?

Nakakataquote:

“Becoming a Father is perhaps the most rewarding thing to do. You have no days off, no pay, no tax exemptions, and no bonuses but you get bundles of love from the ones that call you Dad. Thank you my children for the love. You are my legacy. My gift from above and I love you all.” – Ogie Alcasid

vuukle comment

RIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with