^

PSN Showbiz

Arnold, naagapan ang sakit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Malaking aral talaga para sa lahat ‘yung experience ni Arnold Clavio.

Talagang totoo ‘yung listen to your body. Ikaw lang talaga ang may alam sa tunay na lagay ng katawan mo.

Kundi naging maagap si Arnold baka masama ang naging kalagayan niya. Alam ko na isang reliyosong tao si Arnold, at siguro ay sinagot ang mga dasal niya na iligtas siyang lagi.

Sayang kung mawawala ang isang Arnold Clavio. Isang mabait at very credible na newscaster. Ipagdasal natin na sana malagpasan ni Arnold ang health problems niya at maging mabuti na uli ang kalagayan niya.

Sana mapanood na natin uli sa TV si Arnold at makabalik na siya sa trabaho.

Malaking kawalan kung mawawala ang isang Arnold.

We love Arnold dahil never siyang nagbago.

Pagaling ka, Arnold, nalulungkot kami na hindi ka napapanood noh. Bongga.

Bianca, ‘di pa limot ang huling sinabi ng tatay

Naaalala pa rin hanggang ngayon ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang mga huling salita ng tatay niya sa kanya.

Ilang linggo bago mag-Father’s Day, binahagi ng karelasyon ni Ruru Madrid sa GMANetwork.com ang ilan sa mga memories niya sa kanyang ama.

Sa murang edad na 10 ay nawala na ito pero daddy’s girl daw siya noon pa man.

At naaalala pa rin niya na lagi siyang nakabuntot sa tatay niya, nagkakalikot ng motor kasama ito, tumatakbo rin kasama ito at lahat daw talaga ay ginagawa niya kasama ang namayapang ama.

Ang biggest lesson daw talaga na natutunan niya sa tatay ay laging magsasabi ng ‘I love you’ hangga’t kaya.

Inamin niyang nagsisisi siya na hindi niya nasabi ito sa tatay bago mawala ito.

Hindi raw talaga masasabi kung kelan sila mawawala o huling makikita kaya hangga’t maaga ay sabihin na ito sa kanila.

Ang mga huling salitang sinabi raw sa kanya ng ama ay ‘I love you darling.’

Ulilang lubos na si Bianca dahil pumanaw rin ang kanyang ina noong limang taon pa lamang siya.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with