OFW at pamilya dapat ‘zero hospital’ bill

MANILA, Philippines — Marapat lamang na sagutin ng PhilHealth ang hospital bill ng mga OFW at pamilya nito dahil sa kanilang sakripisyo at pagtulong sa ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni Cong. Erwin Tulfo na malaking tulong ito ng PhilHealth sa mga OFWs at pamilya nila pagdating sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.
“Sobrang malaking kabawasan ito sa gastusin ng ating OFW lalo na yung mga domestic helper, labor at mabababang sahod sa ibang bansa,” wika pa ni Tulfo.
Aniya, kahit kalahati man lang ng kanilang hospital bill ang sagutin ng PhilHealth at sa kahit anong uri ng sakit ay malaking bagay na.
Sa ngayon hanggang 30 porsiyento lang ng medical bill ang sagot ng PhilHealth para sa lahat ng miyembro nito sa ilang mga piling sakit lang.
“Hindi lang OFW mismo ang covered ng benepisyong ito, dapat pati na rin ang kanyang naiwang pamilya sa bansa,” pagwawakas ni Tulfo.
- Latest