^

Bansa

Gibo: POGOs, ‘national security concern’

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Gibo: POGOs, �national security concern�
Ito’y matapos na madiskubre sa pagsalakay sa mga POGO hub sa Porac, Pampanga ang Chinese military uniforms na may nakalagay sa botones na P.L.A (People’s Liberation Army) at ilang military pins.
STAR/File

MANILA, Philippines — Itinuturing ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na isang “national security concern” ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa na ino-operate ng mga criminal syndicates.

Ito’y matapos na madiskubre sa pagsalakay sa mga POGO hub sa Porac, Pampanga ang Chinese military uniforms na may nakalagay sa botones na P.L.A (People’s Liberation Army) at ilang military pins.

Ngunit ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, ‘premature’ na sabihin na ang mga nasabing uniform ay mula China dahil sa kawalan ng ebidensiya.

Ayon kay Teodoro, ang lehitimong POGO ay nagsasagawa lamang ng online-betting para sa mga dayuhan sa ibang bansa.

“The concern is that we should stop these syndicated criminal activities operating out of our base, which weaken our financial standing, our country ratings, (and) corrupt our society,”ani Teodoro.

Subalit taliwas ito sa normal na operasyon ng POGO sa Porac dahil ginagawa ng mga sindikato ang pagpapanggap na POGO habang may ibang interes sa loob ng bansa.

Giit ng kalihim, kailangang ipatigil ang “syndicated criminal activities” na nag-o-operate sa loob ng bansa dahil bukod sa pinapahina nito ang financial standing, at country rating ng Pilipinas ay kino-korap nito ang lipunan.

Sa ngayon aniya ay pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang mga ebidensya na nakuha sa POGO raid sa Pampanga at Tarlac kaugnay ng iligal na aktibidad ng mga ito.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with