^

Bansa

VP Sara nagbitiw bilang DepEd secretary

Mer Layson, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
VP Sara nagbitiw bilang DepEd secretary
Vice President Sara Duterte on June 19, 2024.
Photos courtesy of the Office of the Vice President

MANILA, Philippines — Nagbitiw sa puwesto bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) si Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na personal na nagtungo kahapon ang Bise Presidente sa Malakanyang bandang alas-2 ng hapon para ibigay ang kanyang resignation letter.

Ayon kay Garafil, bukod sa pagiging miyembro ng Gabinete, nagbitiw din si VP Duterte bilang vice chairman ng National Task Force-to End Local Comnunist Armed Conflict (NTF-eELCAC).

Tumanggi ang Bise Presidente na sabihin ang dahilan ng kanyang pagbibitiw bilang Cabinet member pero patuloy umanong magsisilbing Vice President.

Sinabi naman ni Garafil na tinanggap na ni Pa­ngulong Bongbong Marcos ang pagbibitiw ni VP Sara.

Pinasalamatan din ng kalihim si VP Duterte dahil sa kanyang serbisyo.

“At 2:21pm of 19 June 2024, Vice President Sara Duterte, went to Malacañang and tendered her resignation as Member of the Cabinet, Secretary of the Department of Education and Vice Chairperson of the NTF Elcac, effective 19 July 2024. She declined to give a reason why. She will continue to serve as as Vice President. We thank her for her service,” sinabi pa ni Garafil.

Sa isang pulong balitaan kahapon, sinabi ni Duterte na epektibo ang kanyang resignasyon sa Hulyo 19, 2024.

Paliwanag niya, nagbigay siya ng 30-araw na notice sa kanyang pagbibitiw sa tungkulin upang matiyak ang maayos na transisyon para sa kapakinabangan na rin ng susunod na kalihim ng DepEd na papalit sa kanya.

Nilinaw naman ni Duterte na ang kanyang resig­nasyon sa Gabinete ay hindi dulot ng kahinaan kundi dahil aniya sa kanyang tunay na malasakit para sa mga guro at mga mag-aaral.

“Mga kababayan, ang aking pagbibitiw ay hindi lulan ng kahinaan kundi dala ng tunay na malasakit para sa ating mga guro at mga kabataang Filipino,” aniya.

Siniguro rin ni Duterte na, “Hindi man ako ang tumatayong kalihim ng edukasyon, mananatili akong isang ina, na nagmamatyag at titindig para sa kapakanan ng bawat guro at bawat mag-aaral sa Pilipinas, para sa isang matatag na Pilipinas.”Pagtatapos pa ng Bise Presidente, ang lahat ng kaniyang ginagawa ay para sa Diyos, sa bayan at bawat pamilyang Filipino.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with