^

Bansa

PNP: Seguridad sa 2025 elections kinakasa na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP: Seguridad sa 2025 elections kinakasa na
Members of the Manila Police District (MPD) on June 4, 2024.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na nagsisimula na ang kanilang paghahanda para sa seguridad ng 2025 midterm elections.

“Our commitment is to safeguard the democratic process and ensure that the upcoming elections are conducted in a secure environment,” ani Marbil.

Kabilang dito ang pagbibigay seguridad sa pagsisimula ng paghahain ng kandidatura sa buwan ngayong Oktubre.

Unti-unti na aniyang binubuo at isinasapinal ang mga plano ukol dito.

Maging ang paglansag sa mga Private Armed Group (PAG) na posibleng magamit sa panahon ng kampanya, pagkalat ng mga baril na walang kaukulang lisensya, at ang pagpigil sa paggalaw ng mga sindikato ng iligal na droga ay tututukan din ng pulisya.

Sa katunayan, inatasan ni Marbil ang mga ground commander upang palakasin ang ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at bantayan ang mga lugar na maituturing bilang mga hotspot areas.

Magdaragdag din ang PNP ng mga pulis sa mga lugar na matutukoy bilang election areas of concern. Paiigtingin ang checkpoints at police operations.

Mainam aniya na habang maaga pa ay nakabantay na ang kapulisan sa sitwasyon sa kani-kanilang mga lugar.

“By removing these threats, we are not only ensuring a safer campaign period but also instilling confidence in our electoral system,” ani Marbil.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with