^

Bansa

MV Tutor, lumubog na; paghahanap sa missing Pinoy, mas pahirapan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na tuluyan nang lumubog sa karagatan ang bulk carrier na MV Tutor, na matatandaang unang inatake ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea noong nakaraang linggo.

Sa isang pulong balitaan kahapon, inamin ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na dahil sa paglubog ng barko, magiging mas pahirapan na rin ang paghahanap sa nawawalang kababayan natin, na tripulante nito.

Ayon kay Cacdac, hu­ling nakita ang MV Tutor noong Hunyo 17 pa.

Gayunman, tuluyan na aniya itong lumubog sa eastern coast ng Eritrea sa Red Sea, ilang araw matapos na atakihin ng mga rebelde.

Dapat sana ay sisimulan na ang paghahanap sa nawawalang Pinoy seafarer ngunit hindi na matagpuan pa ang barko.

Sa ngayon aniya ay naghihintay pa ang DMW ng balita kung kailan isasagawa ang paghahanap, base sa mga kaganapan sa mga susunod na araw.

Tumanggi naman si Cacdac na kumpirmahin kung patay na ang nawawalang tripulante hangga’t wala pa silang nakukuhang ebidensiya hinggil dito.

Tiniyak din niya na patuloy na pagkakalooban ng mga kinakailangang tulong ang pamilya ng nawawalang tripulante.

Matatandaang 22 Pinoy ang sakay ng MV Tutor nang atakihin ng mga rebelde.

Pawang ligtas naman at nakauwi na sa kani-kanilang pamilya ang 21 sa kanila.

vuukle comment

DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with